Tuesday, December 28, 2004
{*Gradeschool Reunion*}
Yey, ngayon lang ako nakaranas ng reunion! Malamang... basta ansaya kahit 4 years lang ang tagal ng di namin pagkikita...
Ayun, grabe dati nung grade 6 eh ako ang isa sa mga pinakamatangkad sa klase...ngayon ako na ata isa sa pinakamaliit...lahi talaga namin oh...
Sayang di nakasama yung adviser namin, kasi di makontact...pero nagkita kami sa Claret ngunit di siya sumama dahil may gagawin ata...pero ok na yun basta nakita niya kami...na matatangkad na...hehehe
Halos ganon pa rin yung mga kaklase ko...may ibang "malambot" pa rin, yung iba medyo mas kumulit, yung iba medyo mas tumahimik.
Ano ginawa namin? Kumain ng kumain, nagkuwentuhan, nag-PS2, at ang main event, pakornihan ng jokes...
yun lang...sana meron ulit at sana kumpleto na kasi medyo kalahati lang kami nun!
Magnifico
,sumulat noong 10:31 PM