Thursday, February 21, 2008

{*Nakamura ka na, nakatipid ka pa.*}
Dahil mahal sa Bench Fix, naisip ko magpapagupit ako isang beses doon..eh diba experto mga tao dun...tapos after akong gupitan...pipicturan ko yung result...may front view, side view, back view at top view. Tapos kapag humaba na ulit buhok ko...pupunta ako sa barber shop malapit samin tapos ipapakita ko yung pictures para yun yung gawin niyang gupit sakin. Hahaha diba tipid.

Magnifico ,sumulat noong 12:51 AM


Wednesday, February 13, 2008

{*lol*}
Ang katulad mong walang katulad
Ang katulad mong walang kaparis
Meron pa ba?
Meron pa ba?
Ang kagaya mong nag-iisa?

lol

Magnifico ,sumulat noong 6:47 PM


Monday, February 11, 2008

{*Ano To?*}
While browsing for stuff about moon colonization i happened to stumble upon this.

Lunar Federation Inc


Here is the link.


A fraud or a joke? You decide.

 Earth's Official Lunar & Mars Real Estate Agency


Magnifico ,sumulat noong 10:38 PM


Sunday, February 10, 2008

{*Naligtas ang bagong bagong tiles.*}
Kaka-tiles lang kasi ng church namin at basa basa pa so kahapon sa Praise and Worship practice naka paa kami sa loob. So dala dala ko si Tutchi Regidor electric guitar na parang Sequoia wood ang ginamit ambigat kasi eh...

Binuksan ko yung zipper nung case nung electric guitar tapos may ginawa akong iba sandali. Pagbalik ko nalimutan kong bukas na pala. Tapos binuhat ko sa neck yung case.

Nahulog yung gitara naglanding sa isa kong toe. Yung naglanding pa yung bakal na lalagyanan ng strap.

Ang nasabi ko lang "Ouch!"

Hahaha...lame...

Anyway andaming dugo kasi nga paa yun at kakagaling lang namin sa lakaran.

Magnifico ,sumulat noong 9:40 PM


Saturday, February 09, 2008

{*The Most Overused Logical Fallacy In The World.*}

Ad Hominem

Translated from Latin to English, "Ad Hominem" means "against the man" or "against the person."

An Ad Hominem is a general category of fallacies in which a claim or argument is rejected on the basis of some irrelevant fact about the author of or the person presenting the claim or argument. Typically, this fallacy involves two steps. First, an attack against the character of person making the claim, her circumstances, or her actions is made (or the character, circumstances, or actions of the person reporting the claim). Second, this attack is taken to be evidence against the claim or argument the person in question is making (or presenting). This type of "argument" has the following form:

  1. Person A makes claim X.
  2. Person B makes an attack on person A.
  3. Therefore A's claim is false.

The reason why an Ad Hominem (of any kind) is a fallacy is that the character, circumstances, or actions of a person do not (in most cases) have a bearing on the truth or falsity of the claim being made (or the quality of the argument being made).


Pero kelangan tama ang pag state natin kung isang Ad Hominem fallacy ang sinasabi ng isang tao. :D Kaya nga may "in most cases" So Ad Hominem is not entirely a good excuse.

Source: http://www.nizkor.org/features/fallacies/ad-hominem.html

Magnifico ,sumulat noong 12:33 PM


{*Paniki Day*}
I was in panic since morning.

But then again at the end of the day I realize how much the Lord is in control.

Thank You for the stress relief.

Plus I finally I found a video of Vampyrotheutis.

Magnifico ,sumulat noong 12:00 AM


Thursday, February 07, 2008

{*MAY MULTIPLY SI STEPHEN ARIMADO!!!*}
I-bombard niyo na ng kung anu ano!!!! hahaha! stephen nakakagulat ka!!! Sori stephen naexcite lang ako kaya blinog ko...hahaha...

http://koestler05.multiply.com/

Magnifico ,sumulat noong 4:49 PM


Wednesday, February 06, 2008

{*Honestly*}
Nawalan na ata ako ng kakayahang mag react sa ganyang usapin...Hohohoho...Masmaganda nang ganiyan.

Magnifico ,sumulat noong 11:43 PM


Tuesday, February 05, 2008

{*Mga Kaekekang Kinalakihan Ko.*}
Kinolekta ko lang dahil mayroon akong 30 minutes na spare time. Ito ay yung mga narinig kong mga kaanuhan nung bata ako. Kung gusto niyo dagdagan magcomment lang kayo.


1. Ang Babaeng Ahas Sa Robinson's Mall


Nakalimutan ko na kung saang Robinsons ito...sa Galleria ata. Anyway, may iba't-ibang versions to ayon sa aking mga nabasa/narinig.

a. May babaeng ahas na kakambal ng anak ni Robina/May ahas na normal as in ahas lang.
b. Nakatago ito sa isang lihim na kwarto sa baba ng dressing room ng babae.
c. May trap door sa dressing room kung saan mahuhulog ang kung sino mang babae na matipuhan na nasa dressing room
d. Kinakain ni babaeng ahas/ahas yung babae.
e. Nakuha daw si Rita Avila, tapos yung nakikita daw natin ngayong Rita Avila eh kambal lang niya / Si Alice Dixon nakuha na rin daw.

Comment Paninira daw ito ng Megamall sabi nila. Eh ayun obvious naman na di totoo ang UB na to.



2. Patay na si Ultimate Warrior


Namatay daw si Ultimate Warrior ng World Wrestling Federation kasi sinubukan niya buhatin si Andre the Giant tapos sa bigat ni Andre the Giant pumutok ang muscles niya. Ito pa lang ang version na naririnig ko.

Comment Antagal ko naniwalang patay na si Ultimate Warrior pero hinde. Nag quit siya sa WWF tapos ngayon ay isa na siyang motivational speaker at may matching blog pa!



3. Kapag Nagkasugat Ka ng Malaki...


Maaaring:

a. Lalabasan ito ng kabayo
b. Lalabasan ito ng kabayong may karwahe pa.
c. Lalabasan ito ng pari
d. [from imma] Yung kinain mo dun lalabas.
Comment Aba pumutok yung kanang kilay ko at may bumaon nang bato sa paa ko hindi pa rin nilabasan ng kahit pygmy horse man lang o batang nag First Communion.



4. Hindi ka na Lalaki


Nangyayari ito kapag nakahiga ka tapos tinalunan ka ng kung sinong tao. Kailangan talunan ka niya ulit.

Nangyayari rin ito kapag hindi ka natutulog sa tanghali.

Comment Nako gusto ko yung pangalawa. Sana sinasabihan pa rin ako ng nanay ko na hindi ako lalaki kapag hindi ako natulog sa tanghali. Hahaha...



5. Nagkakaanak ang Kisses


Ang kisses daw, yung mabangong butil ng kung anong komposisyon, ay dumadami kapag nilagay mo sa bulak na may alcohol.

Comment Hindi ko na naconfirm to kasi hindi ko talaga na observe yung mga alaga na kisses ng mga pinsan kong babae.



6. Kapag ikaw ay nauntog ng malakas...


Mabobobo ka. So kailangan untugin mo yung baba mo para hindi ka mabobo.

Comment
Ahahaha lagi namin tong ginagawa pero parang nabobo pa rin ako pagtanda ko..hahaha...



7. Kapag lumabas ka ng bahay...


a. Kukunin ka ng mumu
b. Kukunin ka ng Bumbay at isisilid sa sako.
c.(from Caleb) Kukunin ka ng mama tapos kukunin niya dugo mo tapos gagamitin sa pag     gawa ng tulay.

Comment
Racist comment ang nasa letter B so wag na sana nating gamitin.



8 . Kapag marami kang kuto...


Ililipad ka raw nila papunta sa tuktok ng kawayan / puno ng papaya / Bundok Makulot (from Ate Charm) sa sobrang dami nila.

Comment Walang pakpak ang kuto.



9. Spice Girls


Hindi raw girls ang Spice Girls. May spice lang.

Comment
Antagal ko rin naniwala dito nadisappoint nga ako e. Pero to my relief hindi totoo.



10. Nick Carter


Kaya raw hindi nagtatanggal ng t-shirt si Nick Carter eh dahil hindi siya talaga lalaki.

Ayon naman sa version na sinabi ni Imma, dahil nagpatanggal siya ng nipples.

Comment
Ang alam kong totoo ay meron kasi siyang peklat na malaki sa katawan niya.



11. Ice Cream Cone ni Maranan


Wag mo daw kakainin ang dulo ng ice cream cone ng mga dirty ice cream kasi nilalagyan nila ng kulangot ang dulo non.

_________
{________}
 \            /
  \          /
   \        /
     \    /
      \  /
       *     < ===== May hindi kaaya-ayang bagay.

Comment Alam niyo hanggang ngayon kahit hindi naman totoo yun ay hindi ko na talaga kinakain yung dulo para sigurado. Pati nga yung nabibili sa mga box sa mga grocery hindi ko na rin kinakain yung dulo.



12. Pure Foods Hotdog


Gawa raw sa bulate ang hotdog ng Pure Foods.

Comment Siyempre hindi totoo pero sa explanation ng mga tao mahal daw kasi ang uod na ginagawang hotdog at di ganun kamahal ang pure foods. Hahahaha...



13. Kapag nagbibiro ka ng kutsilyo...


Sasapian ka ng dwende.

Comment Hindi totoo pero creepy pa rin kapag naiisip ko.



14. Kapag nagdrowing ka sa lupa ng...


Araw: Edi aaraw!!! Nyii!!

Comment Gawain namin to dati dahil kami ay mga batang araw.



15. Kapag may singaw ka...

Ibig sabihin hindi ka naliligo.

Comment Ibig sabihin hindi ka nag tutoothbrush!!


16. Kapag humikab ka sa simbahan..


Ibig sabihin katabi mo ang bad spirits.

Comment Siguro nga, kasi tinutukso kang matulog..nyahaha!


17. Kapag sinisinok ang bata...


a. (from Imma) Lagyan ng sinulid sa noo.
b. (from Ate Charm) Ipakapit mo sa maliit na papel.

Comment Masmahirap daw maghanap ng tubig kaysa papel at sinulid.




18. Kapag di ka kumain sa gabi


a. [From Imma]Babangon yung spirit mo tapos maghahanap ng pagkain sa kitchen nyo tapos hindi na babalik.

b. Babangon kaluluwa mo tapos maghahanap ng pagkain tapos kapag bukas yung kaldero niyo ng kanin papasok yun dun tapos kapag sinara ng nanay mo hindi na sayo makakabalik yung kaluluwa mo.

Comment In fairness natatakot talaga ako dito nung bata ako!




19. Kapag may kuliti ka...


a. Ibig sabihin namboboso ka.
b. Kailangan mong ipatanggal yung isang pilik mata mo sa isang tao na panganay sa pamilya para gumaling.

Comment Hindi ako namboboso pero nagkakakuliti pa rin ako. At parang maiimpeksyon naman ata kapag nagpatanggal kang pilik mata!



20. Ang masarap na Ma-Ling


a. Gawa raw sa daga [From Imma]
b. E diba maraming tao sa China...so ang hirap daw sa sementeryo nun wala nang pwesto...so yung iba daw na namamatay na Chinese, ginigiling nila tapos ginagawang Ma-Ling.

Comment Morbid morbid morbid morbid.

21. Kapag naligo ka ng Good Friday...

(from PJ) Mamamatay ka.

Comment Mabaho ang Pinas pag Good Friday.

22. Kapag nakalunok ka ng buto(seed)...


Tutubo ito sa loob ng katawan mo

Comment Aba isa ito sa mga pinakaconvincing na kaekekan sa buong Pilipinas!

23. Kapag sumipol ka...

Hahangin!

Comment Walang scientific explanation pero madalas tong gumana! Hahaha...


KAPAG MAY NAISIP PA AKO IDADAGDAG KO NA LANG.

Magnifico ,sumulat noong 12:10 AM

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com