Wednesday, September 28, 2005

{**}
Whooo...Carlo salamat sa pagpapahiram ng Advent Children! Grabe...hangganda ni Tifa! Kung ako si Cloud imbis na si Aerith siya na lang!! WHOOOO...asteg talaga nung movie...bakit kaya naimbento yung The Spirits Within na walang kwenta na mukhang starship troopers...nako, sana magkaroon na ng FFVIII na ganon...I can't wait to see Quistis on a full length movie!

Magnifico ,sumulat noong 12:13 AM


Monday, September 26, 2005

{*DotA Parody*}
Actually, ilang beses pa lang ako nakalaro nung dota...pero natuwa ako kasi na-improvise nila yung mga skill icons, ginawa nilang custom skills...na-inspire tuloy ako...waahhh... gusto ko gumawa ng parody ng dota! Andami ko nang ideya...di ko lang ma-express kasi wala ako ng right knowledge sa World Editor ng warcraft...ganda sana oh...yung Serpent Ward gagawin ko..." That's The Way Aha-ahas" at iba pang kaanuhan...tapos papadl ko sa net...tapos sisikat ako...tapos magkapera ako! Tapos magigising ako panaginip pala! Andaming kelangang pag-aralan...wala akong panahon...kelangan ko pa ng divine intervention sa math17. O kaya mag rapture na lang...haha joke lang po...haayyy....masyadong mali ang pinag gagawa ko sa semestreng ito...i smell 5...

Magnifico ,sumulat noong 8:40 PM


Sunday, September 25, 2005

{*Ten-ten-tentetenten...hirap i word tab.*}
Eto na naman po tayo. Pwede ba isang sabihan na lang?! Nakakainis kasi eh...inuunti unti...parang ANAY! (wah..pagkatype ko nito kinagat ako ng langgam.) Pwede bang isang bagsakan na lang?! HA?! HA?! Sana nga nasobrahan lang ako ng inom ng Coffee House na lasang pinaghugasan ng baso ng kape at dinideliryo na naman ako!! Kasi naman eh, nalagay lagay pa ako dito, ano to, para lang masaklap ang aking pagbagsak? Oh come on people...give me some of the things you learned in Values Education. Abaw, alam ko na yan noh! Garrr...ampanget...alam kong mali...waaahh...kasalanan mo to Coffee House na walang kwenta.


Buti na lang, may kasiyahan ako sa araw na ito, na-adik ako sa jeepney music intro ng Bulagaan.
Maririnig niyo na lang ako, kinakanta ko yun....

Magnifico ,sumulat noong 10:55 PM


Friday, September 23, 2005

{**}
"James, kaya mo yan!"

"Azul, easy lang yan! "

"Sus...ok lang yan..."

" sige...kaya yan... "

Oh...the pressure....the sin...the consequence...the inclination I don't have...the excuses...the unknown purpose...the people around me...the stupid complaints...the figures...the time...the habit...the prayer...

Napupunit na ata ako sa dalawa...wheeeee...kasalanan ko rin...I'm becoming something else...
ay sana werewolf na lang yung "something else."

Madali lang kasi sabihin eh...wala naman ang mga ibang tao sa lagay ko...iba kayo, iba ako...

Diba nga, mas maliit na area inaapply ang pressure...masmalakas...

Magnifico ,sumulat noong 12:41 AM


Thursday, September 22, 2005

{**}
http://artpad.art.com/?in84uw6pe78

Magnifico ,sumulat noong 11:14 PM


Monday, September 19, 2005

{*Wala lang..*}















every post ko...(well, not actually every post...) ay may image galing sa http://www.engrish.com
haha...ito na avatar ko, di na si Jenny ng Endless Love...pero that doesn't mean...WAHAHAHA!!

Magnifico ,sumulat noong 11:03 PM


Saturday, September 17, 2005

{**}
HAPPY BIRTHDAY MATTHEW!! HAPPY BIRTHDAY RUTH!! HAPPY BIRTHDAY LAKSHMI!! HAPPY BIRTHDAY CHRYSTAL!!

Magnifico ,sumulat noong 8:16 PM


{*Nostalgia*}
Nainggit ako sa kapatid ko! Binilhan siya ni mama ng power rangers ninja storm crimson thunder ranger blake. Nyak, ang haba ng title. Eh basta...wahh...10 points of articulation! Kainggit! Naalala ko tuloy ang aking pinaka-paboritong action figure sa lahat...si Black Symbiote Spiderman with 17 points of articulation! Oh...the countless hours of fun with my good friend...wahh...namimiss ko din si Vega (from streetfighter) with 10 points of articulation...tsaka si Glider Action Batman, na konti lang ang points of articulation pero masaya pa rin...wahh...at ang aking mga Gundam at Tallgeese, pati si Jiban na 12 points of articulation, at ang aking Megazord...Nyarrrgghhh...bakit ngayon ko pa kayo namiss...di na kayo mababalik...wala na akong perang pambili sa inyo, at malamang wala nang ganong klaseng mga action figures...nag-cucustomise pa ako ng Gundam dati...pinaghahalo halo ko yung parts, tapos kunwari ang kalaban si Symbiote Spiderman tsaka si Batman...waaa...tapos palagi pa ako nag-iimbento na mala-hapon na intro song para dun sa aking show...hahahaha...ang oti...

Magnifico ,sumulat noong 8:00 PM


Thursday, September 15, 2005

{*Time for Time Management*}
Hahahaha...inubos ko ang aking gabi sa kaka-Guitar Pro version 4.0. Tapos, ngayon lang 11:12 pm ko naalala na may dalawang reaction paper pala akong ipapasa sa Kas1 bukas! James ang galing mo. Naalala mo! Pero mas tanga ka kesa magaling! Bat ngayon mo lang naalala?! Ayan, edi pumunta ako sa kwarto para kumuha ng bond paper...at yes! Ubos na pala! James ang galing mo talaga! Dalawang linggo nang walang bond paper sa bahay, di ka bumili agad! Pero mas tanga ka kesa magaling! So ayan, naghanap ako ng mga alternative na mapapagprintan. Buti na lang, andito pa yung pinagprintan ng mga tickets nung battle. Kaso isang papel na lang yun. Eh dalawang papel kailangan ko. Tapos, buti na lang! Nandito pa yung painfully pink paper na ginamit ko sa paggawa ng retreat letter sa mga tao! Haha...solb! Kaso lang sa aking palagay, tataas ang grado ng mata ng prof ko by sa Kas1 by 15 pag binasa niya yung reaction ko na nakalagay sa pink paper. Ansakit sa mata eh. Ngarg...ayan, ngayon ko lang ulit na realize na napaka walang time management ko!! Tignan niyo sked ko sa bahay:


James' Ten Steps to A Better You. Haha.


1. Bihis
2. Kain ng meryenda
3. Higa, tumulala
4. Mangulit at mang wrestling ng mga pinsan at Machu.
5. Magitara for at least 5 minutes playing the same song...you don't want to know.
6. Mag-guitar pro software
7. Mag Kingdom of Loathing
8. Mag gunbound
9. Mag-blog
10. Matulog!!


Ganda talaga...I shouldn't continue this habit. Ay, sinabi ko lang yun. Hehehe...


Naalala ko tuloy ito...wala ako magawa eh...Logic...


1.Life is good when you're having fun
2.Time flies when you're having fun
3.Therefore, life is good when time flies.
(Assume that this is a valid argument.)


or...


(p ^ q)
(r ^ q)/:. (p ^ r)


let p = Life is good
let q = When you're having fun
let r = Time flies


p 1. Simplification
r 2. Simplification
(p ^ r) Conjunction


Therefore, the conclusion is true..pero morally, HINDE! Kaya ang logic hindi palaging practical!
Pero kailangang ipasa...

Magnifico ,sumulat noong 11:09 PM


{*THE Question*}
HAhahahaha...ansaya...ininterview kasi ako sa soon-to-be org ko na SVCF. Eh ayun, tinanong sa akin yung tungkol sa...ay...wag na...baka gusto niyo sumali...bawal banggitin mga questions...hahahaha...


Tapos...may isang question dun na tinatanong sa lahat ng iniinterview. Yun daw yung pinaka-tanong sa lahat ng tanong kaya tinatawag nilang THE Question. Actually, kala ko D Question kasi nagsisimula sa letter D yung question. Heheeh...o diba? edi siyempre tinatanong sa lahat ng apps!


Tapos...sa mga 3 hours kong interview, di siya natanong sa akin ni Kuya Drew! Hahahaha...andaya namin...exempted ako sa tanong na yon! hahahaha...tapos ginawa na lang niya inexplain niya yung tanong at yung effect pag sinagot ko...yehehehehe...


Haay...sana pumasa na ako niyan!

Magnifico ,sumulat noong 10:47 PM


Tuesday, September 13, 2005

{*Complete From A to Zinc*}
Nakakailang linggo pa lang samin yung isang bote ng tig 240mg ng ibuprofen ubos na...halos araw-araw ata akong nakakainom ng ibuprofen, parang vitamins na...hahahaha


Grrr...parang may sakit na ata ako sa brain. (ampanget sabihing sakit sa utak.) Minsan bigla na lang mamamanhid yung ulo ko tapos sasakit na. Abaw, nakakainis. Malamang kakapuyat ko to. Pero di ko mapigilang di magpuyat...


"Perseverance, Study Well and Good Sleeping Habits! "

Magnifico ,sumulat noong 8:18 PM


Sunday, September 11, 2005

{*Death*}
Galing Friendster...hehehe...minsan lang ako matuwa sa bulletin board eh...


[+] tungkol sa death
Message:


[+] What do u want to wear on ur funeral? --- - Traditional na lang kaya...barong! Ayoko nung pampatay na barong na kalahati lang at pinapatong lang. Gusto ko yung bago, at kulay blue.Hehe...


[+] What color do u want the people to wear foryour funeral? --- - Siyempre, last request ko na ito kaya kailangan naka-clown kayo. Haha joke...kahit ano noh! di naman party uyn...


[+] Do u want to be cremated or buried? ---- Kahit ano. Ewan, bawal daw cremated eh...pero pwede na rin...


[+] Why? ---- sige,pros and cons: cremation - wala nang linis linis ng nitso at pagbisita bag nobyembre, pero bawal daw ata...ambot. libing - may lamay, kikita pa pamilya ko sa sakla...haha joke. Ewan, edi makikita pa nila ako hanggang ilibing, yun nga lang, madami pang bayarin.


[+] If u'll be cremated what do u want them to dowith ur ash? --- - gusto ko lahat ng nakikiramay, ihahalo yung ash ko sa juice o kaya ipapalaman nila sa kanilang tinapay. Para I'm a part of them. Haha joke. Ewan ko...ash lang naman yun eh..what matters is my spirit. Naks. Ewan, lagay niyo sa bote at gawing keychain, gawing halo sa semento...paglaruan niyo, whatever.


[+] If u'll get buried where do u want to getburied? --- sa pera!!! joke. Sa loyola. Kikita naman sila sa pinagsaklaan eh...joke. Holy Cross siguro para tabi kami ni Lolo.


[+] Where do u want your resurrection to takeplace? -- resurrection ka diyan...siyempre wala na ako dito...kapiling ko na si Lord...hehe...


[+] What things do u want them to put in yourcoffin with u? --- - Gusto ko para akong Maharlika, parang sa mga ninuno. Dapat ililibing din kasama ang aking alipin. Joke. Uhm...wala na noh...di ko naman madadala yun eh...sa inyo na lang. Do not store up riches here on earth. hehe..

[+]What do u want your family to do with urthings? --- - ano yung urthings? waw bagong word..nag dictionary pa ako! AY SHUCKS..."YOUR THINGS" PALA YAN. Kasi naman sino ba gumawa nito eh...ampangit magspell. Kala ko bagong word. Eh paghati-hatian niyo na...kung sino may pinaka may karapatan sa isang bagay edi kunin niyo...pwera underwear.


[+] What do u want them to remember aboutyou? --- -Na i look good wearing blue barong..hehe...hinde...basta maalala nila na may Jason James R. Azul na nabuhay at nanligalig sa mundong ibabaw.


[+] What do u want to tell them before u passaway? --- - uhm...siguro aaminin ko na ang lahat tungkol sa akin...pag buwan pa bago ako pumanaw...kunwari cancer taning style...gagawan ko kayo ng letter...hehe...


[+] What do u want to happen? -- sa tagalog, anong gusto mong mangyari?! inaaway mo ba ako?!


[+] What song do u want them to play during yourfuneral? ----one last breath sana kaso di bagay sa akin...papapa-ummm-mamaw? haha joke...basta hindi contemporary...gusto ko hymnal, nakalimutan ko yung title...or any Christian song na tungkol sa kasiyahan na pumanaw sa mundong ibabaw. Except yung The Warrior is a Child na ginasgas ng isa diyan. Oops...

Magnifico ,sumulat noong 11:36 PM


{*Super Saiyan James!*}
Ugh..kagigising ko lang...tapos ang gulo ng buhok ko! Para akong anime! Nakakainis...naisip ko tuloy kung magpapahaba pa ba ako ng buhok...wah...sayang naman...ito na ata ang pinakamahaba ko so far...kaso lang baka mag mukha akong bum sa bahay pag pinahaba ko pa ito...hmmm...ano kaya, long o short hair?! nakakainis naman pag short...mukha akong may palong ng manok, at di ako magaling mag-gel!! Pag mahaba naman buhok ko di ko alam kung pano ko susuklayin! Magpapakalbo na lang ako! Haha joke...

Magnifico ,sumulat noong 5:12 PM


Wednesday, September 07, 2005

{**}
Ayan, umabsent nga talaga ako...one missed day...arrgghh...


Kanina dun sa mrt, may narinig akong "blag", may babaeng hinimatay, grabe, anlaking commotion...tapos sa next station binaba na siya...sobrang puyat daw...


Na scam kami ng mga fixers..nyahaha...sayang ang 200, pagkain din yun...


May nakita akong tabloid, nakalagay sa headline, "Asteroid Alert!" Pero tabloid yun. Malamang ka-ekekan lang...hmm, eh pano kaya kung totoo? Lahat ng pinag-aralan natin mapupunta sa wala. All those years, wasted...hehehe...pero ok lang...nyahaha...


Antamad ko magkwento noh? Kapagod eh!

Magnifico ,sumulat noong 9:46 PM


Monday, September 05, 2005

{**}
Arrgghh...pinapa-absent ako ni mama sa Wednesday! Andun pa naman ang favorite subject ko!
arrr...dun ko na nga lang makikita eh...tatanggalan pa ako ng isang araw! huhuhuhu...hala, grabe, naging big deal sa akin pag-aabsent ko...hala...di pede to...WAHAHAHA...



Ang aso, kahit gaano katagal nawala ang amo, kahit gaano pa siya nagbago,kahit gaano kalayo ang amo, di niya ito nakakalimutan. At sa pagbabalik ng amo, anong galak ng asong iyon.


Proven na yan! Poochie...I miss you!!!

Magnifico ,sumulat noong 10:01 PM


Sunday, September 04, 2005

{*Hello! If you are watching this tape, I have been raptured!*}
Yeba, asteg, kakanuod ko lang nung Left Behind. Tungkol sa Book of Revelations. Ansaya talaga ng mga ganitong palabas. na-eexcite ako. Sana mag-rapture na, para wala nang college life...nyahaha, joke lang po! Hmm...pano nga talaga kung nagkataon, habang tinatype ko to...eh biglang mag rapture? Matutuloy ko kaya ang tinatype ko ngayon? Hahaha...siyempre hinde! Waahh...ano kaya itsura ng rapture...garrr..i want to know...

Dadating na lang ang isang araw, nakasakay ka sa jeep, tapos yung katabi mo, o ikaw, bigla na lang maglalaho...then magkakagulo ang mundo, then...

Magnifico ,sumulat noong 11:02 PM


Saturday, September 03, 2005

{*Spending my Days with Youu...ay kelan yon...*}
Wahaha...asteg, tumugtog orange and lemons sa SM kanina, kaso di ko naabutan yungHeaven Knows..garr...tapos kaunti lang nanuod, di siguro naaappreciate ng mga "poppy" people. Hehehe...masmabuti na yung ganun, para di MAGASGAS...


Yes. May pag-asa pa ako. I am seeing numbers, even in my dreams...hohoho...

Magnifico ,sumulat noong 9:43 PM


Thursday, September 01, 2005

{*Abaw*}
Ito na ba talaga ay phobia? O talagang kinakaawaan ko lang ang sarili ko. O kaya naman, napipilitan lang akong patunayan ang isang bagay. Edi sana pinatay ko na lang yung patutunayan ko nun. Edi wala na akong pagpapatunayan. Kaso lang makukulong ako, masisira buhay ko tsaka di gawaing Kristiyano yun.


Kasi naman eh, bakit ang sosyedad na kinalakhan ko ay umaasa sa bagay na yun. Habang nagbabasa tuloy ako ng Kasaysayang Bayan, napaisip ako. Napakasimple lang ng buhay noon. "Punta ikaw gubat.Ikaw kuha prutas.Ikaw kain prutas.Ikaw tulog.Ikaw mamamatay.Ikaw punta Bathala." Parang nais ko mamuhay na sa sinaunang panahon, kung saan ang batayan ng isang pagiging magaling na tao ay kung paano ka mamuhay at paano mo mabubuhay ang sarili mo at mga kasamahan mo. Hindi kung paano ka yumaman.Hindi kung gaano ka kagaling sa isang bagay. Isang bagay na mas-mataas kaysa iba. Na kahit gaano ka kagaling sa ibang bagay, kahit ikaw na ang pinaka-magaling sa mundo pagdating doon, wala pa ring kwenta iyon kapag wala kang kahit anong kagalingan sa masmataas pang bagay na yaon. Parang gusto ko mamuhay sa panahon ni Hesu Kristo at maging kaanib ng sinaunang simbahan. Kung saan ang kanilang mga kayamanan ay binibigay nila sa simbahan para sa ikauunlad nito at ng bawat miyembro. At masaya sila doon. Isang saya na matatawag niyong simple pero mas importante kumpara sa basehan ng kasayahan ngayon. Oo nga tinuturo ng "values education" iyong pinagsasabi ko. Pero paglabas mo naman ng paaralan, makakalimutan mo rin iyon...yan ang totoo...



Hay...Time-Space Warp!!! Shigi shigi maka shigi uwa...

Magnifico ,sumulat noong 11:14 PM

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com