Tuesday, December 28, 2004
{*Late Christmas Post*}
Eh dahil nga tamad ako mag-blog, ngayon ko lang mapopost itong tungkol sa pasko. Nyak kamusta nga ba ang pasko ko? Ganun pa rin, masaya, nandun pa rin yung mga rituals, este traditions...sa laki ko nang to eh namasko pa rin. Ngayon lang eh mahina ang aking kita, kaya di ko na binigyan ng bonus yung mga pamangkin ko...hehehe...
Nandun pa rin yung makapal ang mukhang inaanak ng papa ko na 23 years old na eh namasko pa rin samin. Nakakatawa nga eh..natutulog pa ko nun eh. Nagising ako kasi ang ingay sa bahay tapos yun pala siya lang...namamasko again. "Attack of the Overaged Christmas Stalker"..nyahahaha...
Ganun pa rin..tanghaling tapat may kainan tapos kaguluhan ng mga bata dahil sa regalo...
Hmm...gusto ko sana gayahin yung post ni Stella na ililista lahat ng natanggap na regalo..kaso ayoko manggaya...kaya magpapasalamat na lang ako sa lahat ng nagbigay...yahoo! parang nabawi yung perang pinangregalo ko! salamat! hehehe...
Nagkaroon pa ng Christmas Party ang youth sa aming simbahan...nag-speaker ako. Magtaka na kayo kung bakit...hehehe...saya...
Kaya ayon...kahit mahirap ang buhay masaya pa rin ang Pasko!!
Magnifico
,sumulat noong 10:17 PM