Thursday, December 30, 2004
{*Toonami, este Tsunami*}
Grabe nakakaawa talaga yung mga nasalanta ng tsunami. Buti di tayo inabot ng mga ganung klaseng kalamidad. What's more eh mostly mga Muslim countries tinamaan. Edi di pede cremation. Edi magkaka-epedemya. Tsk tsk tsk...
Bakit ganon, kung kelan nagkatsunami tsaka lang maglalabas ang news ng mga safety measures. Nakakaasar kaya. Parang nung nagbaha ng todo. Kung kelan nagbaha tsaka lang sila makikialam sa mga illegal loggers. Tapos kay FPJ. Kung kelan siya nagka Cerebral Thrombosis. (tama ba) eh tsaka maglalabas ng safety measures. Futanesca...
Pero di ko rin naman sila masisisi... sa sobrang dami ng poproblemahin eh di kasya yun sa isang taong news marathon...
Pero sa kabilang banda...gusto ko talaga makakita ng tsunami. Nyahahaha. May plano nga ako eh...kung sakaling magkaroon ulit ng undersea earthquake, magpapalock ako sa steel box na naka-scuba gear tapos may viewing glass yung box. Tapos aantayin kong mag super low-tide sa dalampasigan tapos vivideohan ko...haha astig!!!
Pero sana naman wag dumating ang panahon na magkatsunami sa Pinas...ulit...
Magnifico
,sumulat noong 1:36 AM