Wednesday, January 12, 2005
{**}
Nakakainis kanina pauwi na ako. Nakapila ako. May dalawang mag-ama sa likod ko. Son-Daughter. Tapos ansaya saya nila. Alam mo yon, yung parang mga mag-ama sa movies na nasa parke. " Daddy, gusto ko pa po nung pizza hut! " " Anak nakapila na tayo eh...padeliver na lang tayo mamaya ha? " hehehe...e di yon...edi napa " Awwww " ako sa isip ko. Nyahahaha korny. Tapos dumating na fx. Medyo matagal din kaming nag-antay ha. Tapos yon. Pasakay na kami. Edi ineexpect ko makakasakay yung mag-ama. Biglang may nakita akong dalawang talipandas na mag-jowa na kumaripas papunta dun sa fx. Sila yung nasa pinakalikod ng pili at pang-11-12 sila. Ibig sabihin sila'y next fx pa. Tapos yon. Dahil sa kabalbalan nung mag-syota e di nakasakay yung model mag-ama. Takte. Naka-UP T-shirt pa naman yung lalake. Panira sa pangalan ng UP eh. Nung sumakay nga ako di ko naiwasan i-murmur. na sana narinig niya: " Kase meron diyang mga taong nangunguna eh. " Grabe kaharap ko pa naman sila sa likod.
Heck, yey nakapasok kami sa auditions nung variety show. Pero huwat?! Tig-isang kanta lang? Like, ganon kapareho ang mga gusto naming tugtugin sa banda. Ack. Sana patugtugin na lang kami during Disco para hindi istorbo sa oras diba? Nyarg.
Magnifico
,sumulat noong 10:08 PM