Sunday, January 16, 2005
{*variety nga talaga...*}
wawwwww...tignan niyo agwat ng post ko oh...pano ba naman, puyat na, may lagnat pa ako simula Friday...hanggang ngayon meron pa rin...di tuloy ako nakatugtog sa simbahan...
ayon, variety show nung Friday. Wahaha...binoycott ata ng mga tao ang classes ng umaga. Sayang. Hahanapin ko pa naman sana yung Jiban action figure ko for english. eh tapo yon, nag-praktis kami nila Joy Anne, Jeanine, Jantoy, Keone, Jenny C at Katrina sa Damien. Tapos eh nagpunta na kaming school. At dun na ko sinimulang lagnatin. Buti may Biogesic sa canteen kaya medyo nawala.
Ayon, nakakatawa yung mga sound effects sa variety. Nyahaha...lalo na yung artificial clap. takte, parang ASAP... eh tapos yon, ang galing nung back2back2back nila Leonard...eh basta...kaya nila eh. Tapos ansaya rin kasi maganda performance namin ng mga Silicon Carne bandmates. Pero sayang talaga...di masyadong narinig si JC violinist kasi di kaya nung mic. Astig sana yon oh...ASTEG sila NATHAN... lalo na si KUYA LEMUEL!!! Sana mahawa ako sa kanya kasi gitara ko ginamit niya...nyahahahaha... ayon, astig din yung All Girls band pero kung natono sanang maige yung isang gitara eh mas maganda...noh...tapos nanalo tita ko ng KALAN!!!! Nyahaha...di ko pa inuuwi at mabigat eh...
Ampangit nung disco. Wala na masyado tao. Basta. Panget. Patay bukas pa yung fluorescent lights. ang aga pa natapos. Wala nang gana mga tao.
Tapos non eh nag overnite ako kela carlo L. I will not go into details for it is highly confidential. Hehe. Sabit lang ako dun kasi dapat mag oovernite kami kela dean kaso di natuloy at di makasama yung iba. Kasama ko sila Eljon, Carlo C. tsaka Nico.
Wooh...iinggitin ko lang kayo sa mga kinain ko nung saturday sa montalban...inihaw na tuna (buo), inihaw na baboy na native, lechon paksiw, kilawing tanigue (di ako sigurado sa spelling) with mayonaisse. Wooooo...da best sarap...kahit may lagnat ako at sobrang hangin don eh okay lang...
Nasalisihan mama at tita ko dun sa palengke sa montalban...eh kase pinaiwan ba naman ng tita ko dun sa tindera yung binili nilang 500 pesos na baboy. Ayan nanakawan. Grabe...buti sinagot nung tindera yung kalahati...
Gar....nilalagnat pa rin ako...
Magnifico
,sumulat noong 1:02 PM