Sunday, February 06, 2005
{*ETO NA AKO.*}
Actually, matagal nang ayos ang aming computer. Ayoko lang talaga mag-blog ng mga panahong iyon. Kasi, uhm, ah, eh...wala lang. Tinatamad lang talaga ako. Tsaka exam eh. Kailangan kong... matulog. Haha, kala niyo mag-aral noh. Nakakinis talaga antanga-tanga ko sa research test. Ewan ko ba. Tama naman ginawa ko. Siguro sa pagpindot ko lang sa calcu. Kala ko siguro naglalaro ako ng Tekken Tag. Nyahahaha. Pero ansaya sa huling araw ng exam ha. Pinagpalang bata ako non. Kasi ako lang daw nakakuha sa klase nung number 4 sa pisika! WAHAHAHA... magmayabang daw ba. Hayaan niyo na ako, paminsan minsan lang to. Tapos exempted pa ako sa Music at Health! Nyahaha...tapos nadalian ako sa pinoy!!! Nyahahaha. Nung mga nakaraang araw kasi eh napag-iwanan ako ng panahon sa pag-aaral. Eh yan. Nabawi naman..
Takteng sportsfest yan. Ansakit ng mga kalamnan ko. Pero wala naman akong ginawa. Hehehe...
As in. Bakit ba ganon. Hindi ako pinagpala sa basketball? Hanggang takbo na lang ako. Pwede pa akong soccer...pero basketball? Nah...wala akong kahit anong kakayahan diyan. Putek para talagang Slam Dunk nung friday! Hehehe...ang galing kasi ni Carlo Cruz eh!!! GRABE!!! Tapos hiniram ko pa yung kanyang functional and elegant na Nike Shox na kulay green. Sana man lang nahawa ako sa galing niya nung sinuot ko yon. Eh ayon, kaya desperado talaga ako mag-training kasama ang curie pips...haaay...ganda ng pangalan ko sa jersey: Tubero J. Nyahahaha...wala nang maisip ang bata.
Magnifico
,sumulat noong 7:21 PM