Tuesday, March 29, 2005

{*WAW SOBRANG INET!! ABOT SINGET!!!*}
Bwisit! SObrang inet ngayon dito...kaninang umaga hanggang magising ako, bukas yung ceiling fan, eh usually, pinapatay ko na yon bago ako bumangon. Ecckk...ngayon nga eh nanlalagkit ako. Naligo ako ng mga 11, tapos naligo ulit ako ng mga 2..garr...sa pagitan pa non eh medyo tambay na ako sa gripo sa kusina namin...nagbabasa ako..hehehe...putek ang init talaga...di tumatalab yung ice candy dito. Kadiri pa, edi lumabas ako, nilakad ko aso namin...pagbalik kong bahay puro laway na ng aso yung braso at binti ko...garr..garr...sana di na ganito kainit! nakakapanlumo!!!

Magnifico ,sumulat noong 9:42 PM


Monday, March 28, 2005

{*SAPAGKAT WALANG PALABAS SA TELEBISYON*}
Eh diba Semana Santa, wala masyadong palabas! Actually meron pero parang wala na rin kasi ayokong panoorin. Kaya, gaya ng kinagawian, pinatulan ko ulit yung underground video rental sa plaza namin. Pangalan pala non eh Pelano Rental: VHS.VCD.DVD. Eh siyempre may membership, last year, nagpamember kami, di ko lang sure kung kanino saming magpipinsan nakapangalan, so confident na ako na meron na akong magagamit na membership card. Pagpunta ko don sabi ko, "Manghihiram po ako" (tanga ko, obvious ba?) Sabi ni manong " Member ka na ba dito?" Ako: " Opo... " Tapos sabi ni manong:
" Anong number nung membership mo? " Takte!! Eh malamang nalimutan na naming yon! Kasi naman eh! Bakit yung number ang tinatanong at di yung pangalan?! Eh putek, pinahanap sakin ni manong yung number ko sa isang logbook na steno-like ang sulat, eh mga 2000+ mga members don…huhuhu…hindi naman ako pedeng magpamember ulet kasi kinse yung rental, bente lang dala ko, trial rental ko pa lang yun eh…eh yun, nagsipag ako, este, tinamad akong bumalik samin at nagtanga tangahan ako, nagsimula na kong maghanap. Ang problema pa nyan, isa samin ng mga pinsan ko ang dapat kong mahanap, kasi nakalimutan ko kungkanino nakapangalan. Pagkaraan ng "ilang" minuto, napunta ako sa member# 2731...oh joy…it’s my cousin...ayun, buti pinagamit sakin ni manong kahit di sakin nakapangalan…so ngayon, magfifiling-filingan na akong movie critic, at i-rereview ko yung mga movies na nirent ko, na halos puro B-Movies... (bad movies, hindi bold movies)

Actually, A Series of Unfortunate events yung una kong nirent, kaso, ayokong ireview kasi bago lang siya at wala ako masyadong masabi tungkol dito kasi maganda siya. Ito lang mga masasabi ko...kala ko talaga, Lemony Snickett yung pangalan ni Jim Carrey na kamukha ni Heihachi Mishima, yun pala Count Olaf. Di ko pa nababasa yung libro eh. Tapos, angkyut ni Violet!!! Kyut na, astig pa!!! NYahahaha!! Pati si Sunny, cute, si Klaus,never mind…Gusto ko ng 3rd-eye toad...

Ayan, on with the other movies!! Iiklian ko na lang...

Ghost Lake (horror daw)
Quotable Quotes: wala, zombie growls na lang siguro…
1-liner ko: Para kang nanuod ng MTV ng "Thriller" for more than an hour na MIDI sound ang ginamit, hindi marunong magsayaw ang kahit sino sa dance sequence, at watercolor at illustration board ang ginamit na zombies...

Akala ko talaga nung una eh matino to. Parang recent movie lang kasi eh…yun pala masmalala pa sa mga 80’s films. Halatang recent lang siya kasi yung mga kotse, recent lang yung design. Ano nga pala story nito? The usual horror thing, may mga namatay, in this case, tanga ang government, nalunod sa rumaragasang tubig ang isang town dahil ginawang dam yung tapat. So they haunt, at bumibiktima sila ng 13 tao every thirteen years…ayun. Lame. May frontal nudity, simula pa lang. Siyempre, pang akit ng audience. Actually mas nakakatakot pa yung frontal nudity eh.Hehe…bakit ba Ghost Lake ang title? Eh mga zombies ginamit..wenk…dapat Zombie Lake na lang.

My Wife Is a Gangster (Action Comedy)

Quotable Quotes: "Blood is thicker than water, but loyalty is thicker than blood"
"I told you, once I take off my clothes, I’m gonna pummel your ass..."
1-liner ko: Dear, more action please!

Asian movie to. Story? Gustong mag-asawa ng female protagonist dahil yun ang kahilingan ng kanyang dying sister. Eh gangster siya, di lang basta gangster, mataas ang katungkulan at magaling sa martial arts specially knife handling. So ang napili niya, isang mabait na lalaki pero mukhang timang. Di alam nung lalake na gangster asawa niya. Basically, yan yon. Ang maganda sa film na to, maraming humor, basta, ayoko nang ikuwento yung mga comedic scenes. Tsaka balanced siya with drama. Ang problema lang, nagkulang yung action. Tsaka andun pa rin yung mga obvious harness stunts.Pero all in all, maganda tong movie na to.

The Gospel of John (Documentary?)
Quotable quotes: " I am telling you the truth. " (Bakit? Sinabi to ni Jesus several times...)
1-liner ko: Nakakabless, detail overwhelming!

Akala ko nung una, parang ginaya lang niya yung The Passion of the Christ. Parang ganun kasi yung movie poster niya. Tapos yon, hiniram naming. Astig. Pag binasa mo yung book of John, ganun talaga yung mga pinagsasabi nila. Basta. Tapos, mapapa- "OO NGA NOH?! " ka sa mga sinasabi ni Jesus. Maganda siya! Medyo mahaba nga lang. Pero ok lang, kasi nga, yung book of John ang kanilang ginamit. Pagkanuod mo, mapapabasa ka talaga nung book of John…yun nga lang, di big budget ang movie na to, di nakaka-wow yung effects niya, para bagang yung mga pinapanood natin sa mga PTV4 pag Holy Week, mas-advanced nga lang. Pero pag di ka interesado sa mga ganitong bagay at ayaw mo makinig sa mahahabang script, di to para sayo. Pero I highly recommend this film.Astig.

Cannibal Holocaust (Gore Film?)
Quotable quotes: "Great, you invited us to dinner."
1-liner ko: The film that is more effective than Bangkok pills.

Ito yung film na sinabi ni Dean na hindi siya nakakain ng tatlong araw. Binan na to sa mga sinehan. For obvious reasons. Sabi nga nila, ito yung mother of all cannibal movies. Grabe, pinanood pa naming to ng Black Saturday...ito na ang pinakagrabeng film na napanood ko. Actually, may dalawang version ito, ang napunta sakin eh yung may "footage" version. Kung yung mga ibang films, sinesensor ang sex scenes at murder scenes, even pagkatay ng hayop, dito wala. Grabe, andaming naviolate na animal and human rights dito! Napaka-sadista, gory and everything. Andaming pinatay na hayop! Andaming dugo and guts. Pinapakita talaga kung pano china-chopchop ng mga cannibals yung mga tao, pano mang rape at mang-torture ng babae, kung pano barilin ang bata at baboy damo, kung pano kumatay ng pagong at muskrat na super detailed, parang "How To" na film. Ilang liters ng blood kaya ginamit dito? Di ko na sasabihin ang story, kainan lang to ng tao. Hehehehe…

Magnifico ,sumulat noong 9:07 PM


{*Starry Starry...everything...*}
Ansaya, eh ngayon kasing magbabakasyon na eh napapadalas ang punta namin sa Montalban. Eh mabukid doon...basta astig...parang kuta ng mga NPA, parang any moment may susunggab sayo sa talahiban. Imaginine niyo, may bahay na pang subdivision na nasa gitna ng bukid...nyahaha...ayos.

Eh lagi kaming ginagabi. Kaya ginagawa ko na lang pag mga ganong oras...humihiga na lang ako sa open...minsan sa hood ng kotse, minsan sa terrace sa banig, minsan nakatingala lang habang nakaupo sa monobloc. Wala lang...kasi ang ganda nung stars dun. Eh pag dito sa bahay imbis na stars makita mo, starapple. Yung puno kasi ng kayumito dito anlaki eh...

Ayun, naalala ko tuloy yung gusto ko sa buhay...gusto kong magdrive ng convertible sa gitna ng bukid sa gabi na maraming stars habang pineplay yung vincent(starry starry night) o fire and rain o kaya kahit anong acoustic na luma. Diba astig?! Kahit may kasama ako o wala sa paggawa ko nun ok lang...

Nabuo ko yung ganung setup kasi nasisiyahan ako pag yung kotseng sinasakyan ko eh dumadaan ng bukid sa gabi. Tapos nung paalis kaming Leyte, na-LSS ako sa Vincent (Starry Starry Night)kasi andaming stars nung umalis kami ng madaling araw. Tapos gusto ko lang ng convertible...

Baduy ba? Hindi naman dibaaa...

Hehehe...wala lang...wala akong mapost na eh!!!

Magnifico ,sumulat noong 12:11 AM


{*RUMBLE*}
Eto, dahil sa sobrang tamad ko na magdetalye ng mga nangyari sa Rumble, ito na lang gawin niyo!!! Visit this site...hehehe, si Jantoy pala gumawa niyan...di gumagana link sa blog eh!!!

yey! unang post ko ulit after 10 years! nyahahaha...medyo nakalimutan ko na kung paano magblog!!!

http://www.freewebs.com/bandakisay/newsskedcontacts.htm

Magnifico ,sumulat noong 12:06 AM

mooi.




you are farm visitor number:
Statcounter




Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

  • Bad id: "machokis"
    (There is no flooble chatterbox with this id. It may have been deleted, or never existed. You can sign up for a new account if you wish.)
  • Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com