Friday, April 15, 2005
{*HS ENDER!!!*}
Yan, nagising akong maaga, mga 5:30. Nahulog kasi yung libro ko sa astro na nasa gilid ng kama ko eh! bumagsak ang ingay, nagising ako. Tapos nabagabag pa ako dun sa panaginip ko. May pinahiram daw sakin pinsan ko na vcd ng mga prophecies. Eh ang low budget! Parang b-movie, kaya nakakatakot. Mala Cannibal Holocaust pa yung cinematography. Teka, bakit ko nga ba napaginipan yon.. siguro kasi nung nagpapraktis kami ng aking mga bandmates sa damien kinuwento nila sakin yung psychic na nagpredict ng tsunami at japan earthquake. At may nagpredict daw na magkakaroon ng massive earthquake dito sa manila at quezon city sometime after april 15. Di ako naniniwala. Ay abaw...
Ayon, kaya naisipan ko ulit magpost kasi nasayangan ako sa mga panahon na andami ko pang kuwento. Tignan niyo naman, di ko man lang nakuwento yung retreat,grad praktis, etc. Sayang! Magtatapos pa naman ang taon!!!
Kahapon bday ko, pulubihan na naman...ahehehe...may pinoproblema nga ako eh...pero sikreto na yun..hehe...yak...18 na ako?! Pwede na ako magkaroon ng lisensya?! Eh di pa naman ako pala marunong magdrive...eh ayaw ni mama kasi hindi daw makakita left eye ko, papaayus daw muna (yak pangit ng term). Eh kelan pa yun?! Papalaser daw eh ang mahal mahal! Binati pala ako kahapon sa harap ng stage! WAhahaha first time! Kasi kadalasan bakasyon pag birthday ko eh...oi Imma salamat dun! Wahehehe..tumatakas pa ako kahapon sa canteen kasi umiiwas ako sa mga taong "libre!" Hehehehe...
Ngayon naman, graduation namin! Yeba! Ampangit ng toga, parang second hand. Sana matino naman ang grad at magsimula ng maaga! Tapos grad ball din, ako ay emcee, at medyo puro impromptu gawain ko...yey...sana magawa ng maayos!!! Eh..di muna ako magdadrama, pagkatapos na...di ko nga alam kung iiyak ako eh...kasi yung mga naiiyakan kong mga bagay eh yung mga mabababaw tulad ng pagkawala ng notebooks ko na kailangan sa clearance etc...
Magnifico
,sumulat noong 5:36 AM