Tuesday, May 03, 2005
{*post ng mga tamad*}
Tsaran...nakapost din ako sa wakas.
Alam niyo yung pakiramdam na sobrang tagal mo nang di nagboblog, pero madalas ka naman magnet. Tapos sa time period na di ka nakapagblog eh andaming nangyari sayong mga bagay bagay. Tapos tinatamad ka ipost yun lahat. At isa pa eh may mga tao sa likod mo,na di naman alam na nagboblog ka pala. Na ang akala siguro nila ay diary. Kaya ayaw mo magsulat ng mga kadramahan at kung anupamang mga bagay na mushy. (ngak sana di to mabasa ng mga tao samin habang tinatype ko.) Kaya sobrang halo halo na itong post ko...at uyng iba pa nga sobrang tagal na nangyari...
+nag zambales kami, HIV with guests...hehehe...ansaya, waw sakto habang tinatype ko to pinakita sa hiram yung pinagshutingan na resort na katabi lang nung pinagstayan namin! wala lang...nakita ko dun si dina tsaka kris. dinaanan kami ni caloi ni dina. tapos akala ko kasama lang nila sa staff. ahahaha. mukhang nanay eh. pero amputi niya in fairness ha...tapo ayun, nagbabalat na ang sunburn ko. Ay oo nga pala, ganda nung gitnang island na pinuntahan namin.white sand.nagkaproblema pala nung pagkauwi namin...nawalan kami ng pambayad sa transpo! grabe hiyang hiya ako sa tito ko...hehe...buti na lang sinagot muna ni hannah...
+yey, may battle of the bands na naman kaming sasalihan ng Silicon Carne. Pang all-girl o mostly girls na banda. mag cross-dress kaya kami ni jantoy..wahaha joke. hayy...sana palarin!!! teka di ko pa alam ang details kaya di ko muna ipopost dito. pag nakikipag-usap kasi ako sa mga kabanda ko sa telepono either nanonood ako ng pelikula o kaya naglalaro.
+speaking of naglalaro, sa sobrang ala akong magawa dito sa bahay nanghiram ako kung kani-kanino ng mga installation cds ng mga laro. Ayan sisirain ko computer ko.
+at speaking of nanonood ng pelikula, panuorin niyo yung "three" (asian film) maganda yung dalawang storya dun. Yung "memories" at "going home". mas recommended ko yung "going home". basta astig. Ay oo nga pala, nanood kami ni mama ng "the eye 2" na walang english subtitles. nakakatawa kasi naintindihan pa namin. ansaya i-analyze. para kang nanonood ng silent film. tapos sinubukan na lang naming mag malaysian subtitle.
teka lang, tsaka na yung iba! pinapa-dc na ako...
Magnifico
,sumulat noong 7:55 PM