Thursday, May 19, 2005
{*Wala na bang matinong horror movie?*}
Pagtapos nung the ring series (the pioneer) at ng Ju-On 1...eh wala na akong nakitang matinong Asian horror film. Ewan ko. Kasi, parang lahat sila eh may format na sinusundan:
" Maraming namamatay dahil sa isang babae o batang kamag-anak ata ni sadako dahil palaging mahaba ang buhok o kaya wirdo kumilos. Tapos yung bida eh i-sosolve yung mystery eklat...minsan sad ending dahil may mga mamamatay pa rin, minsan hinde."
yan. ewan ko. lately puro ganyan na lang. pinanuod ko yung one missed call... at parang " hala?! " hehehe...ganun din yung the eye at kung ano pa mang mga pinanuod kong Asian horror films. Nakakasawa na. Ewan. Pag gory naman, di nakakatakot, nakakatawa. wahehehe...pag puro multo, alam mo na kung san susulpot. At kung susulpot man unexpectedly, nakakagulat lang. walang long-term effect. Pag american horror movies naman ang exag masyado dahil sa bwisit na background music. Ano ba to...san kaya ako makakakita ng matinong horror film na tatapat sa the ring. Iniintay ko yung "Premonition" eh. Kasi so far wala akong nakitang Sadako-related woman. Pati yung shutter. Sana maganda yon. Wah...wala lang...
Magnifico
,sumulat noong 6:20 PM