Thursday, August 11, 2005
{*The Excorcist*}
Isasalaysay ko lang yung creepy pero fulfilling (yak, parang pantasya.) na panaginip ko.
Eh basta, ako daw ay isang excorcist. Sa nakalimutan ko nang kadahilanan. Nagkataon lang ata na ako yung andun. So yun, excorcist ako. Ang naaalala ko na lang na earliest scene eh may babaeng Indian. Tapos nasa kwarto ng nanay ko. Tapos may mga kasama siyang di ko na maalala kung sino. Basta, kamukha pa niya yung batang umarte sa excorcist. So pano ko nalamang Indian siya kung napaka artipisyal na makeup yung mukha niya? Eh naka-suot ng pang hindu eh. So yun. Di ata ako nakikipag usap dun sa sumapi sa kanya. Siyempre bawal yun. You know. Wah, ang creepy talaga. Pero di naman siya nananakit. She's just there. Doing her creepy stuff. While others are in panic.
Here comes James to the rescue. Nung ginagawa ko yung pag excorcise, ramdam na ramdam ko yung feeling sa real world. Parang totoo talaga. Kasi parang nag struggle pa ako at nagconcentrate. Na alam kong ginagawa ko sa real world. So parang nag eexcorcise talaga ako. Ayun. Di ko na sasabihin yung mga sinabi kong excor stuff. Tapos nung pangatlo ko atang sabi nun, at yun na yung huli ko kasi parang susuko na ako, at binuhos ko na lahat ng lakas ko dun. Ayun, umalis ang masamang espiritu. At ang weird non. Kasi naka-project siya sa wall, parang galing sa projector na low quality. Tapos ang itsura pa niya ay isang kalansay na kulay brown, pero yung mukha, parang paagnas pa lang na matanda. I grabbed it by the leg, (by the way, bumalik sa normal yung Indian girl. At kamukha niya si Sushmita Sen.) tapos biglang tumakas. Nilipad ako! Tapos nagshift yung scene sa dagat, tapos may mga industrial buildings sa gitna ng dagat. So nakasabit ako dun sa masamang nilalang na yun habang lumilipad siya. Tapos bigla siyang nawala, edi nahulog ako. Sa di malamang kadahilanan, nagland ako sa harap ng isang sala na may tv, kasama ko pa mga kapatid ko. At nung nawala siya,may parang spear head na lumipad kasama namin at nagland sa isang tv station, kung saan may ginaganap na show. Tapos yung spearhead na yun, yun yung masamang espiritu, nagchange ng form. So yun. Alam niyo na mangyayari. Sasapi siya sa host. At pinapanood ko sa tv yun nung malapit na mangyari. Pero di na natuloy sa part na yun. Nagising na ako eh. Parang totoo talaga. Pero dapat hinde.
Magnifico
,sumulat noong 10:35 PM