Kasi naman eh, bakit ang sosyedad na kinalakhan ko ay umaasa sa bagay na yun. Habang nagbabasa tuloy ako ng Kasaysayang Bayan, napaisip ako. Napakasimple lang ng buhay noon. "Punta ikaw gubat.Ikaw kuha prutas.Ikaw kain prutas.Ikaw tulog.Ikaw mamamatay.Ikaw punta Bathala." Parang nais ko mamuhay na sa sinaunang panahon, kung saan ang batayan ng isang pagiging magaling na tao ay kung paano ka mamuhay at paano mo mabubuhay ang sarili mo at mga kasamahan mo. Hindi kung paano ka yumaman.Hindi kung gaano ka kagaling sa isang bagay. Isang bagay na mas-mataas kaysa iba. Na kahit gaano ka kagaling sa ibang bagay, kahit ikaw na ang pinaka-magaling sa mundo pagdating doon, wala pa ring kwenta iyon kapag wala kang kahit anong kagalingan sa masmataas pang bagay na yaon. Parang gusto ko mamuhay sa panahon ni Hesu Kristo at maging kaanib ng sinaunang simbahan. Kung saan ang kanilang mga kayamanan ay binibigay nila sa simbahan para sa ikauunlad nito at ng bawat miyembro. At masaya sila doon. Isang saya na matatawag niyong simple pero mas importante kumpara sa basehan ng kasayahan ngayon. Oo nga tinuturo ng "values education" iyong pinagsasabi ko. Pero paglabas mo naman ng paaralan, makakalimutan mo rin iyon...yan ang totoo...
Hay...Time-Space Warp!!! Shigi shigi maka shigi uwa...
Magnifico ,sumulat noong 11:14 PM