Sunday, November 20, 2005
{**}
Ito na. Anlamig na naman. Nakakatuwang hinde. Siyempre nakakatuwa kasi wala na akong rason gumamit ng pampalamig sa gabi. Di na rin ako magyeyelo sa iced tea. Masmalaki ang rasong magkape. Malapit na ang Kapaskuhan. Pero nakakainis rin dahil ang hirap hirap maligo. Palagi na lamang may teeth-gnashing and "brrrr" sa boses ko. (pinaka-ayoko nun). Sadyang nakakatamad. Tsaka gusto ko talaga summer. Gusto ko maaraw. Gusto ko ng sunny days. Masaya ako kapag may araw. Sige. Umaraw na ng umaraw. Kahit sumakit ulo niyo. Basta masaya ako sa sunny days. Hahahaha. Malungkot ako kapag natatakpan ng ulap ang araw. Malaki ang epekto ng pagkawala ng araw sa aking mood. Kahit parang ang oti pakinggan. Para akong taong nabubuhay sa Sesame Street o kaya naman isang taong palaging subject sa mga kanta ng 70's. Eh basta yun. Sunny days. Matagal pa summer eh. Mangarap muna.
Magnifico
,sumulat noong 12:11 AM