Saturday, November 19, 2005

{*Timpalsahit*}
Ayon sa Linguistics, iyan ang tunay at purong termino para sa banyagang pagkain na tinatawag natin na "sandwich." Akala ko pa naman sandwits. Pero, magkasimbaho lang naman ang dalawang salitang iyan.


Kaninang papauwi na ako, galing sa pagkain ng isaw, dun ako sumakay sa may pangalawang sakayan sa Shopping. Diba bawal magsakay sa gitna ng sakayan 1 at sakayan 2? So yung jeep dun pa tumigil sa sakayan 2. So naglakad pa ako patungo sa jeep na huminto sa sakayan 2. Nakatabi ko si manang.Hindi ko alam ang pangalan ni manang. Itago na lang natin siya sa taguring Manang Bayanmuna. Aba, pagkasakay na pagkasakay ko sa harap, nagsimula na ng kuwento. Aba manang, magkakilala ba tayo? Kaibigan siya ni manong tsuper. At pinagalitan pa si manong dahil hindi ako sinabihan na dun sa sakayan2 siya titigil. (pero alam ko naman na ganun talaga ang sistema.) Baka daw isipin ko na iniisnab ako ng driver dahil wala ako sa tamang sakayan. Tapos dun na siya nagsimulang mag-"kampanya"


Nakita niyo ba yung mga bus na naglipana kanina sa Vinzon's atbp? Kagagaling ko lang ng katipunan non. Biro ko lang sinabi na baka yun na yung paraan ng transportasyon dito sa UP. Totoo pala yung biro ko. Yun talaga yung papalit sa mga ikot jeeps ayon kay Manang Bayanmuna. (na taga Bayanmuna.) Aba, sosyal. Ngunit di daw pinayagan at pinigilan ng mga taong matatamaan nito. Siyempre yung mga namamasada ng ikot. Siyempre. Mamamatay ang kanilang hanapbuhay. Para pa ngang na-offend ni manang si manong driver. " Eh pag binenta mo tong jeep mo, ikakalakal lang to sa kiluhan ng bakal eh." Tawa lang si manong. Pero batid ko ang kaniyang pagkairita. Parang ako. Masyadong makuwento si manang eh. Naisip ko tuloy, sa di kalayuang siglo naka MRT na ang up. Vinzon's Staysheeen.


Matapos ang patungkol sa mga bus. Dumako naman si manang sa isyu ng pagkain sa UP. Si Satur Ocampo ay may suhestiyon sa Bayanmuna na dapat isulong at ipalaganap sa mga kainan sa UP. "Namamahalan" kasi si manang sa mga pagkain sa mga canteen ng UP. May plano sila na deretsong dalhin yung mga pamalengke galing Navotas. Para bagang hindi na sila mamamalengke. At wala masyadong patong ang kanilang nabili. Kaya wala rin masyadong patong ang kanilang ititinda sa atin. Sana nga magkagayon. Para bumaba ang presyo ng Tapsilog.


Nakalimutan ko na kung bakit pero dumako naman si manang sa kaniyang pag-mamanicure. Aba ewan. Wala na akong interes dun. Pero bigla niyang pinunta ang usapan sa kaniyang pagpapagupit. Marunong siya mag gupit. At sa mababang halaga daw. Parang gusto kong magpagupit kaso wala sa lugar ang aking gustong gawin. Sa Disyembre pa ako magpapagupit. Ayun. Naalala ko na kung bakit. Parang serbisyo na daw sa tao yun. At dignidad muna bago ang salapi. Hayaan niyo na.


Ayun, bumaba si manang. Ang huling sinabi niya ay: " Kaya nga libre ako dito sa kaibigan kong driver eh." Parang hindi tanggap ni manong. Hahahaha...akala ko naman bayad na si Manang. Nagtawanan lang silang dalawa pero batid ko ang panghihinayang ni Manong sa pamasahe. Hehehehe...


Ayun, di na kami nag-usap ni Manong. Hahahaha.

Magnifico ,sumulat noong 1:35 AM

Comments: Post a Comment

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com