Wednesday, November 09, 2005
{*Wake Me Up, Before You Go Go!*}
Ako....ay....hindi pa tapos...sa enrollment.
Dahil sa From 137 na yan na hindi naman kami ang may kasalanan kumbat hindi natanggap ng OUR!
Hay..ano bang ginawa ko na?
Monday
8 am - 9:30 - Naghintay ng eligibility. Wala ako dun. Kinabahan ako. Di ko matanggap...akala ko dahil toooooooot. Form 137 pala.
mga 10 - Pumuntang Shopping. Nagbayad sa PNB para sa ID kong nawala dahil sa isang masaklap na pangyayari.
Mga 10:30 - Pumuntang OUR para tanungin kung talagang wala ang kasumpa sumpang 137. Wala. Nag-intay ng number kong tawagin. Sinungitan ako. Di pa sinabi ang gagawin. Buti na lang andun ka block kong pareho ng kapalaran ko. Humingi kami ng consideration sa nakatataas.
Napakasaya. Pareho kaming walang bolpen at papel. Nanghiram kami kay manong guard na mabait. Pero hindi sapat. Pumunta kaming Math, naghanap ng mapagbibilhan. Wala.
12 - kumain sa CASAA. The canteen you can trust. Tapos bumiling bolpen.
1 - Balik OUR. mga 3:30 na namin nakuha yung note sa nakatataas. (literally and figuratively)
3:30 - 5 - pumila sa wala.
At katatapos lang nitong Tuesday...hanggang advising nakaabot pa ako. Mabuti naman.
WAKE UP CALL!
James. Nasaan na yung mga sinabi mo? Ako, ewan ko kung nasan na.
Hindi na ako magsasalita pang muli.
Magnifico
,sumulat noong 12:41 AM