Sunday, December 11, 2005
{*Ang Totoong "Black Tape" ni Sensui*}
KUNG NATAPOS KO ANG CANNIBAL HOLOCAUST AT NA-AMAZE PA AKO, WELL, DITO DI KO NA TINAPOS. DI KO KINAYA.
Akala ko pa naman kaya ko na lahat ng gory visual stuff kasi nakaya ko yung cannibal holocaust. Mali pala ako. Panuorin niyo ang Banned from Asia. Isang B-documentary. (hindi siya b-movie eh.) na collection ng mga morbid videos sa Asia. Kung totoo man ang black tape na sanhi ng pagkamuhi ni Sensui sa mga tao, ito na yun. Mamumuhi ka talaga sa gumawa nito. Pero may maganda...may harlequin fetus na buhay! Wheeeeee...harlequin fetus in motion! Okay sana kung ipapakita lang nila ay yung gore. Pero kinoclose-up yung mukha nung tao eh. Which is very disturbing. Dahil parang tatatak sa isip mo yung hitsura nila. Mas natakot pa ako dito kesa sa Emily Rose eh. Hay. I-buburn ko talaga ito. At kung gusto niyo hiramin sa akin, wag niyo na lang ako sisihin. Hindi...ko...kinaya...sana di ko na lang pinanuod. Sana di na lang ako na-curious. Mukhang di ako makakatulog. I am not exaggerating.
Magnifico
,sumulat noong 1:33 AM