Wednesday, December 21, 2005
{*Be Prepared!*}
Be Prepared - Kanta ni Scar sa The Lion King
Tamang-tama. Darating tatay ko. Ano bang mga dapat gawin?
- Itago lahat ng may kinalaman sa rock music.
- Masanay na matulog ng maaga ng walang dahilan.
- Masanay sa sirenic decibel level na hilik.
- Masanay na gisingin ng maaga ng walang dahilan.
- Masanay na kumain ng sabay-sabay kahit nakakatamad gawin.
- Masanay mautusan ulit ng kung anu-ano na di ko naman ginagawa dati.
- Magparinig tungkol sa mga benepisyo nila kung kami ay magpapa-DSL.
- Masanay sa pag-alis-alis sa malalayong lugar na sana ay parati ngayong bakasyon.
- Masanay sa pagkaing may sile kahit walang dahilan.
- Masanay sa kung sinu-sinong ka-opisinang darating sa bahay. Na sana ay _______ (fill in the blanks)
- Magparinig tungkol sa aking pagnanais na magkaroon ng lead guitar lessons.
- Humanda sa ano mang maaaring mangyari sa aking buhok.
Hay, at marami pang iba. Ok lang yan. Minsan lang naman eh. Naks nagdrama. Hahahaha.
Magnifico
,sumulat noong 12:44 AM