"Subukan lang talagang dumiskarte ng mga piratang yan, ako na mismo ang sasama sa pan-reraid sa kanila. "
Mr. Revilla, you need not worry. Kapag pinirata nila ang mga entries ng MMFF, lalung-lalo na yung mukhang Phinotoshop in motion na Mulawin na yan, hindi kayo ang kawawa, kundi ang mga consumers. Ang harry potter nga pag ginawang vcd or dvd (na panget) ay nagiging unimpressive na ang effects at sounds, yan pa kayang mga entries sa film fest na unimpressive na nga yung effects, magmumukha pang saturday morning cartoon na onion skin hannah barbera production pag pinirata. Hindi, hindi ko masyadong binabatikos ang filmfest, pero look at what's happening, example na lang yung sa Exodus. Pano mo ipapakita na tumatakbo yung tikbalang at si Bong Revilla? Simple lang daw. Ilagay mo silang dalawa sa tig-isang tread mill, set on a high speed, ilagay sa bluescreen, lagyan ng smudges ang outline nila against the wind, at presto, mukha na silang nilagay sa tig-isang tread mill, sinet sa high speed, nilagay sa bluescreen at nilagyan ng smudges ang outline nila against the wind. At ito pa, pano mananalo ng award ang isang film na may war scene (Exodus) na kinopya sa isang scene sa Battle of Helm's Deep sa Two Towers? (Favorite war scene ko pa man din...) Naalala niyo ba yung si Gandalf nakatapat sa sunrise? Para masilaw yung uruk-hai? May ganon dun. Nakita ko sa trailer. Panoorin niyo and tell me if I'm wrong pero yun talaga nakita ko.
Story-wise, wala namang problema sa mga entries eh. Ang problema lang, yung pag-deliver nila. Lalung-lalo na sa effects. Palagay ko naman, pwede pa sila maglagay ng extra effort sa effects,pero di lang nila ginagawa. Ayaw niyo ba magkaroon ng classic fantasy film ang pinilakang tabing ng pelikulang Pilipino? Ang may pinakamatinong effects pa lang so far na nakita ko ay yung sa Spirit Warriors 2. Bwaha. Hindi, ok na yun. Pero yun. Basta. At tsaka pag nagpapakita kayong trailer, wag niyo ipakita lahat ng magagandang scenes. Edi sana di na kami nanuod. Nag-trailer marathon na lang kami...
Magnifico ,sumulat noong 11:50 PM