Friday, February 24, 2006
{*Ichi The Killer*}
Sa wakas! Sa ilang buwan kong paghahanap dun sa B-movie-ful na rentahan ng vcd/dvd/vhs na Pelano Video Rentals: The Video Rental You Can Trust, eh nakita ko na rin yung film from the masters of the absurd; the Japs - Ichi The Killer, isang gangster film na maganda ang ratings sa mandiapple.com/snowblood. Edi yan kanina pinanuod ko, hahahaha...uhm...disturbing...i-search niyo na lang sa yahoo. Di na nanuod sila mama, ampanget daw...ewan, ok naman eh...disturbing nga lang...tignan niyo na lang ang mga reviews niya...ito yung ilan sa mga disturbing things sa movie:
- Yung isa sa mga main characters, na napaka-unique ng get-up at itsura, kasi hati yung magkabilang pisngi niya para pag ngumanga siya eh bukang-buka. At isa pa, siya na ang best example ng sado-masochism. Pinutol din niya yung dulo ng dila niya para gawing danyos-perwisyos sa pag-torture niya sa isang kasama niya sa gang.
- Si Ichi, basta...autistic na isip batang pumapatay gamit ang kaniyang shoes na may knife na sobrang lakas ng impact, napaka "fine" ng pagkakahati ng mga tao...alam niyo yun, yung hati na nga nakakapag-mura pa...kasi di nila alam hati na pala sila...hahahaha...
- Yung isa sa mga characters namatay by accident ni Ichi (ayaw niyang patayin) sa harap ng kaniyang 10 year-old son...sob...ampangit pa nung aksidente, kasi nagilitan siya tapos parang gripo yung leeg niya...
- Andaming yakuza torture scenes. Wah. Example: Sinabit ka sa kisame gamit ang mga butcher hook, about 20 of them, para matibay, tapos tinutusok-tusok ka ng malaking karayom sa mukha para umamin ka...tapos bigla kang binuhusan ng kumukulong mantika sa likod.
Marami pa yan...hahahaha...
Next film: Double Vision
Magnifico
,sumulat noong 10:38 PM