Wednesday, March 22, 2006
{*Pang ilang long time no post na to?*}
Tignan niyo ang gap ng last post ko at nito. Ang ganda diba...hahahaha!
Ayun, ansaya talaga nung PE2 SKD outing/practicum namin...ansaya kabonding ng mga tao, kahit medyo dumugo ilong ko dahil sa english...hahahaha joke lang...may bonus fireworks pa nung gabi na hindi ko madedescribe dito kung gano kaganda. Basta maganda...kasi may wedding reception sa kabilang resort...tapos nagpaparty party sila dun tas before magsayawan eh nagfireworks muna sila...bongga! At siyempre...andami kong nakita underwater, kahit nung una eh napa - "ay, yun lang?! " ako...tulad ng mga sako, plato etc. hinde joke lang...maraming kung anu ano...giant clams, sea slug (ganyan na lang, nakalimutan ko yung tawag eh), iba't ibang isda...ang ganda talaga nung huling dive namin...kasi parang scene sa finding nemo yung nakita ko...pero may minor setback...di ko namaximize ang dives ko...nahihilo agad ako kapag tumitingin ako sa ilalim ng tubig...parang ganito:
(nakalabas ang ulo sa tubig) "dive!"
(underwater) astig to haaa....teka....
at oo, nag throw up ako sa dagat...pero lumalayo naman ako sa kanila no...at least di ako nagwiwiwi...hahahahaha...dahil daw kasi sa mata ko yun...yadayadayada...napuputol tuloy enjoyment ko at nang-iistorbo na lang ako ng mga barnacles sa mga batuhan...
Sige ok na yun...actually masmasaya yung bonding time kasama mga kaklase ko kesa dun sa PE2 SKD mismo eh..hehehe...
Magnifico
,sumulat noong 12:30 AM