Wednesday, April 26, 2006
{**}
Haynako, palagi atang ganito ang pattern ng summer class ko...(class: isang subject lang eh...)
1. Gigising ng mga 9
2. Manunuod ng Mirmo pero hindi tatapusin.
3. Papasok na.
4. Makikinig ng lecture kahit hindi naman talaga.
5. Mag-gugulaman break kay Ate-Kuya.
6. Uuwi.
7. Mag-dodota pag niyaya ng mga pinsan. (na halos araw-araw)
8. Mag-dodota ulit sa bahay.
9. Mag-ttv.
teka...nasan yung "mag-aaral?!" Kailangang ma-insert! Garrr...
Bukas yata kukunin na si Puti, yung asong ampon namin. Wah..mamimiss ko siya, wala nang manggigising at pagkagising mo parang galing ka sa labas dahil malugod kang sinasalubong. Wala nang mandidila ng mukha. Wala nang mag-sisit, shy, dance, shake hands, crawl at bark sa bahay...wahh...kahit pangit pangalan niya mamimiss ko siya...hehehehe...
Magnifico
,sumulat noong 3:27 AM