Sunday, April 09, 2006
{*I Shall Not Say These Things Again.*}
Ang hirap pala magbuhat ng sako ng bigas. Hanggang ngayon masakit pa rin ang biceps at triceps ko...ugh...bakit ganon, parang andadali lang sa mga pinsan kong magbuhat ng mga ganon kabibigat na bagay? Eh parang magkakapareho lang naman kami ng muscle mass...nagpasimple na lang ako, ako na lang tagahila papunta sa kanila...kayo na bahala magbuhat...hahaha...
Bakit ba kami nagbuhat ng halos 20 sako ng bigas? (siyempre isa-isa) May Church thingy kasi, tapos kasama dun ang pagbigay ng bigas...pero di yun ang gusto ko sabihin...
Sa wakas, masasabi ko na rin sa sarili ko na may natatandaan ako na may evangelism exposure na ako kahit papano. Hindi naman sa hindi ko pa ito nagagawa dati...pero ito yung sa mga pinaka-prominent ko na nagawa. Napalagay na ang loob ko. Wahehehe...kaso lang dapat pala iniwasan ko tong mga pinagsasabi kong ito:
"Alam niyo, yang kasalanan, kahit gaano kaliit, kasalanan pa rin yan...kunwari, yung kasama mo pumatay, tapos ikaw nangopya lang, sa mata ng Diyos pareho kayong makasalanan. Edi gagawa ka rin lang ng kasalanan, lubos-lubosin mo na. Kunwari mangongopya ka kasi ang hirap ng exam, eh patayin mo na lang yung gumawa ng exam para wala nang problema. Oi joke lang yun ha...hehehe..."
__________________________________________________________
Ako: " Ang kasalanan, hindi lang yan yung pagpatay, panrerape, pagnanakaw..."
Boy: "Pagnanakaw daw o...ay kuya natatamaan yang katabi mo."
Ako: "Ay ganon ba? Sige ok lang yan..."
__________________________________________________________
" May masasabi ka bang tao ngayon na perpekto at hindi pa gumagawa ng kasalanan sa buong buhay niya bukod sakin? Hindi biro lang."
__________________________________________________________
"Binibigay sa atin yan bilang isang regalo, pero pano yon mabibigay sayo kung di mo naman tatanggapin. Kahit isaksak pa yun sa baga mo hindi mapapasayo yun kung di mo tatanggapin. Eh bakit ba, hindi mo trip eh...bahala ka..."
Nakakadistract...hehehe...
Magnifico
,sumulat noong 11:58 PM