Wednesday, August 30, 2006
{*Guimaras*}
Seryoso, kung may kukuha sa akin, idodonate ko talaga tong buhok ko para makatulong dun sa Guimaras (ginagamit nila panlinis ng oil spill ang human hair). Nakakalungkot talaga ang nangyaring oil spill. Ayokong nakikita ang isang magandang lugar na magkaganon dahil lang sa kapabayaan ng isang mapansamantalang kompanyang tulad ng Petron. Hindi naman pala pinapayagan ang mga single-hull oil carriers sa ibang bansa, bakit dito pinapayagan? Palibhasa napaka-concentrated natin sa political crisis ng ating bansa. Minsan hindi natin naiisip na may iba pang bagay na kailangang pagtuunan ng pansin. Tapos kung kelan nangyari na ang lahat, tsaka lang sila mag-iisip na dapat nang ipagbawal ang mga single-hull carriers. Haynako...this is sad. Very sad.
Magnifico
,sumulat noong 11:00 PM