Sunday, February 11, 2007
{*Scene Seven: The Dance of Eternity*}
Gusto ko talaga tugtugin to...kaso wala akong Petrucci skills.
Ilang araw ko na gusto ipost yung tribute entry ni Cody, kaso palaging nag eerror, nawalan na ako ng gana...nakakainis talaga...
"How was February 7?"
Is a forbidden question.
Pero sige sagutin natin.
1. Unang-una, natapos ko yung MP ko, gumagana siya...pagpasok ko ng lab nag minor editing ako...tapos, nakita nung isang kaklase ko yung MP ko, bakit daw ako gumamit ng array, eh bawal daw yun...eh kasi nga nagtanong ako sa dalawa ko pang kaklase pwede daw array. Tapos sa lab tinanong ko ulit silang dalawa kung pwede talaga...hindi daw pala. At hindi sila nag array. So nagpanic ako pero no choice...ipasa ko na lang...pero bago ko ipasa subukan ko muna gumawa ng di gumagamit ng array, pero naabutan na ako ng oras. Pagpasa ko...napaste ko pala yung ilang lines of code na nandun sa sinusubukan kong gawin pero nagcompile siya! Tapos di ko alam bawal na pala magpacheck ng dalawang beses...pagpacheck mo yun na yun. So wala na akong aasahan dun.
2. Dapat tutugtog ako sa CarEEEr talk. At di ko alam kelangan nakapantalon at polo dapat. Nakashorts lang ako...kaya parang nakakakita ako ng mga taga-erg na na-puzzle sa aking suot. So umuwi muna ako. Tapos practice kami nila ate Julie. Tapos di naman kami nakatugtog kasi inabutan na ng lunch. May klase na si ate Julie at ako ay may math test.
3. Mahirap yung math test. Di ako masyado nakapaghanda dahil yung MP.
4. Hindi ako naka-attend ng meeting ng LG. at...
Pagdating kong bahay medyo tulala na ako...that's too much in one day. At ngayon lang ako nagkaenergy na iblog ang tungkol dun.
Magnifico
,sumulat noong 9:47 PM