Wednesday, March 21, 2007
{*Kasiguraduhan*}
May mga bagay na ginagawa ang Diyos para maipakita Niya na sa Kaniya tayo dapat magtiwala. Mga bagay na sa paningin ng tao ay walang kasiguraduhan. Mga bagay na hindi natin gamay. Mga bagay na hindi natin maiisip na mangyayari sa atin. Mga bagay na maiisip mo na walang pupuntahan. Mga bagay na hindi mo alam kung matatapos o hindi. Mga bagay na kung mawala man ay hindi maayos ang pagtatapos. Mga bagay na sa isang iglap ay baka mawala. Mga bagay ng kinabukasan na gumugulo sa mga bagay na mayroon ngayon.
At sa mga bagay na ito nakikita ang ating kahinaan. Kahinaan na sa Diyos lamang maaaring isuko.
Magnifico
,sumulat noong 9:24 AM