Wednesday, April 25, 2007
{*Battle Royale*}
Rating: | ★★★★ |
Category: | Movies |
Genre: | Foreign |
Directed by Kinji Fukasaku
Eh siyempre narinig niyo na itong pelikulang ito. Napanood niyo na siguro. They consider this a classic in the Asian Extreme Cinema genre. Hindi siya perpekto. Wala namang pelikulang perpekto eh. Ang kulang sa pelikulang ito ay yung "character relationships development". Alam niyo yun...nung nanunuod ako nito, hindi ko naramdaman yung relationships ng karamihan sa mga students. Mas-effective sana ang delivery nung movie kung nag-concentrate sila sa aspeto ng pagpapakita ng relationships ng mga characters. Para naman hindi tayo nirurush na makita kung ano ba sila dun at bakit depressing na namatay sila. Masyadong minadali ni mr. Kinji Fukasaku ang pagpatay sa mga minor characters. Tapos pag mamamatay na sila, dun pa lang makikita yung kanilang agony dahil sa mga nabuong relationship sa kanilang mga kaklase.
Isa pa andaming namatay na magagandang studyante..hahaha joke...
Anyway, siguro pinapakita lang ng pelikulang ito na mayroong mga taong gagawin ang lahat para mabuhay lamang. Yun bang walang kakla-kaklase o teacher etc...
4 stars.
Kung di niyo pala alam ito'y tungkol sa isang law na pinatupad sa Japan. May random na bubunutin na isang section sa kahit isang school, ilalagay sila sa isang island. Kailangan isa lang matira. Pag hindi, lahat sila sasabog ang collar na nasa leeg nila. Ginagawa nila ito na parang "quality control".
Lessons Learned:
- Pot lids and binoculars are effective weapons for defense.
- Don't talk in front of your teacher or he might throw a knife at you.
- Poison could kill five people even if only one person ingests it.
- Don't brag about your kevlar vest.
Magnifico
,sumulat noong 10:58 PM