Thursday, March 01, 2007
{*at long last*}
At last may dsl na naman sa bahay.
Nanunuod ako nung masked rider kabuto sa Youtube.
35 years na ang Kamen Rider franchise! Whee...
Bakit kaya ganon? Sinasayang ng ABS CBN at GMA 7 ang kanilang resources by making Fantaseryes na magrurun ng maganda sa una or pangit na talaga sa una...tapos...papangit ng papangit sa katagalan. Yun kumbaga alam mo nang continuous yung pag-imbento nila ng storyline...kumbaga hindi siya set na pagkastart nung fantaseryeng iyon eh meron na talagang totoong storyline. Parang tinutuloy na lang nila dahil sa sponsors at dahil wala pa yung show na susunod. Yun yung nakakainis sa Philippine Television eh...
Kung gagamitin lang talaga ng tama ng mga powerful companies na yan yung mga resources nila...ok...
Bakit yung Kamen Rider ng 90's hindi sila gumamit ng mga big budget effects pero it worked well. Na-aappreciate pa rin siya ng mga tao sa Youtube.
Wala na yatang pag-asa yung mga creators sa mga channel na yan. Hindi ko nakikita ang pag-build ng character ng mga pinopromote nila na bida. Kelan kaya magkakaroon ng superhero series ang Pilipinas na ma-aappreciate ng mga bata at matatanda? Kumbaga parang pagtanggap ng mga tao sa Masked Rider.
O batang isip lang talaga ako at maraming katulad ko? Hahahaha...
Magnifico
,sumulat noong 12:15 AM