Saturday, April 21, 2007
{*Siniksik sa Isang Entry*}
Di na ako nakakapagblog dahil sobrang daming nangyari sakin nitong mga nakaraan na hindi ko makuhang i-blog ang mga yun.
Anyway, hahaha, hindi ko talaga inexpect na ganun. Nalaman ko lang talaga nung nakita ko sila Dean,Jeni,Gelain,Imma,Jantoy. Si Joy sinundo ako at wala pa akong idea nun. Si Machu sinama ko akala ko talaga tutugtog ako sa debut ganun ganun. Aysos kayo buti na lang nagdala akong pera. Hahaha...binalak kong hindi magdala! Anyway salamat sa inyo dahil nasurprise talaga ako. Birthday-wise at money-wise. Hahahaha joke...
Tapos damien time. Ewan ko kay kuya kung na-detect niyang galing kami sa isang birthday surprise kaya may diskwento kaming 20 pero hour. Pero sana ganun talaga. Kung ganun ba eh magkakasundo kami ng damien. Ngayon lang ulit kami nakapagpractice ng SC kaya sa Friday aabangan ko ulit yan! Salamat rin sa inyo sa paglibre samin ni Machu sa Sbarro..wahehehe...
Whee saya nung araw!
Bukas Earth Day. Dapat araw-araw naman eh...nakakahiya naman yung mga taong kung kelan Earth Day tsaka sila hindi magtatapon ng basura kung saan-saan. Tsaka lang sila magpapacheck ng makina nila. Tsaka lang nila marerealize na hindi lang tao ang nabubuhay sa mundong ito, mayroon pang polar bears, bottle-nose dolphins, sun and moon bears, bengal tigers, tomato at golden frogs, leatherback turtles, at iba pa. Na inatasan tayo na mag-lord over sa mga ibang nilalang na nandito sa mundo pero hindi ibig sabihin na kahit ano na ay magagawa natin. Na kung hindi natin isinama ang "greed" sa ating ideya ng "survival" ay masmaganda sana ang mundong ito.
Magnifico
,sumulat noong 11:11 PM