Saturday, May 12, 2007
{*From Jeni: 6 Weird Things About You*}
Each player of this game starts with 6 weird things about you. People
who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well
as state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to
be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that
says you are tagged in their comments and tell them to read your blog.
ONE
Kapag naghuhugas ako ng plato, madalas nailalagay ko yung plato sa ref pagkatapos. Parang involuntary movement...
TWO
Pumapapak ako ng mayonnaise, lalo na pag nagpupuyat ako.
THREE
May habit ako dati na kailangan gagawin ko ang mga bagay ng 5 times. Tapos nung katagalan kailangan 6 times. Tapos naging 12 times na. Buti natigil na ako sa ganon. Tulad kunwari na-tap ko ng kamay ko ang lamesa, dapat ulitin ko yun 12 times.
FOUR
Madalas na panaginip ko kapag babangungutin ako ay baboy o kaya biik. Tapos hinahabol ako ng baboy na yun.
At may warning thought ako bago ako managinip ng masama. Parang introduction sa isang bad dream. Hindi ako nananaginip eh, gising pa ako, pero napaka-visual nung thought ko na yun. Una, makakarinig ako ng pulse sa mga tenga ko, tapos makikita ko isang full moon na medyo natatakpan ng clouds. Tapos ayun, alam ko na na masama ang mapapaginipan ko.
FIVE
Bitter talaga ako sa educational system ng Pilipinas kasi walang paleontology at walang subjects about prehistoric creatures.
SIX
Gusto ko ang kantang Crazy Frog. Wala na akong maisip eh..hahaha...palitan ko na lang to kung makaisip ako ng mas-weird dito. Pero yun gusto ko talaga yung Crazy Frog.
I tag Dean, En-En,Pepe,Kuya Migs,Kuya Drew,Benzon. Patawad!
Magnifico
,sumulat noong 11:15 PM