Saturday, May 19, 2007
{*Pan's Labyrinth*}

Rating: | ★★★★★ |
Category: | Movies |
Genre: | Science Fiction & Fantasy |
Yey. Nanood ako sa pirated dvd! hahaha bakit ba?
Ok ang cinematography. Lalo na yung scene transitions.
Ok ang special effects at cosmetics. .Although yung stick insect sa una ay medyo nakakaturn-off, yung iba maganda talaga. Ang ingenious ng ginawa nila para sa paa nung faun. Color-keyed na yung shins at paa nung actor ganun. Hindi siya CG. Pati na rin dun sa taong nasa kamay ang mata kaya hindi makapagsabon ng kamay. Ayan ang kulang sa pelikulang Pilipino eh. Puro kayo CG eh. Masmaganda pa yung Never-ending story kaysa sa latest effects natin. Iyon ay dahil gumagamit silang prosthetics! Mag-isip nga kayo. Hindi niyo ba nakikita kung gaano kayo pinagtatawanan ng mga tao tuwing film fest? Lalo na yang Exodus na yan!!! (Except Roadrunner Studios. Magaling sila. Sila ang gumawa ng effects sa Spirit Warriors. Bwahaha) Gusto kong ulitin ang statement na to ng isandaang beses. Anyabang ko parang kaya kong gumawa ng kahit CGI na paruparo..haha...
Story-wise wala akong masabi. Mapapatanong ka kung totoo ba yung ending o hindi. Medyo dragging nga lang pag lumilipat kay "El Kapitan" ang storya. Mararamdaman mo talaga ang sentimiyento ni Ofelia. Makikita natin kung gaano ka-morbid ang fairy tales. Eh totoo naman eh..search niyo...morbid talaga ang mga original versions ng mga fairy tales. Ayoko na i-spoil. Natipuhan ko talaga yung story dahil gusto ko ang mga pelikula na may unpredictable or weird endings. Tulad na lamang ng Audition.
Sa soundtrack, halos isa lang ang tune na ginamit nila. Pero hindi iyon isang masamang bagay. Dahil dun mo makikita ang mood ng pelikula. Nakaka-lss ang lullaby ni Mercedes.
Hmmm-mmm-mmm-mmm-mmm-mmm-mmm...
Alam niyo ba na si del Toro din ang nag direct sa Mimic,Hellboy at Blade II?
Magnifico
,sumulat noong 11:54 PM