Friday, May 11, 2007
{*Squirrel sighting sa UP?*}
Hindi ako sigurado pero kanina nung sumakay akong ikot sa Vinzon's, may napansin akong kakaibang gumagalaw sa isang butas sa medyo ibaba ng isang acacia malapit sa antayan ng Katipunan na jeep. Kulay brown siya tapos kumikilos. Ang maiisip mo na hayop ay isang ibon o kaya daga. Eh hindi naman pwedeng ibon. Dahil ang mga ibon masmabilis at iba ang kilos kaysa sa nakita ko. Hindi rin pwedeng daga kasi usual na color ng daga satin ay black o dark brown at malaki siya para sa daga at ang daga hindi sanay sa tao kaya magtatago agad yun. Naisip namin squirrel. Hindi naman malabo mangyari yun dahil mayroong squirrels sa makati. Pero kelangan ko pa i-confirm. Please report any sightings to me. Hahaha joke lang....
Magnifico
,sumulat noong 1:07 AM