Wednesday, June 20, 2007
{*Electric Fly/Mosquito Swatter*}

Rating: | ★★★★ |
Category: | Other |
Mabibili sa mga tiangge, mrt stations at mga overpass. Mga 100-200 ang kanyang price range. Akala namin kung ano dati bakit yung racket nag spaspark yun pala pang lamok at langaw yun.
Pros:
- Madaling gamitin at mas malinis kaysa Baygon
- Rechargeable
- Madaling makapatay ng mga lamok na nagdadala ng dengue at ng mga langaw na nagdadala ng diarrhea.
- Pwede ring makapatay ng ipis pero ibang storya na yun.
- ang ibang model nito ay may kasamang flash light na nagamit ko kanina lang dahil nag brownout.
- Nakakaaliw sa unang gamit dahil sino ba naman ang hindi naaaliw sa mga spark spark.
-Pwede sigurong ipang-start ng kalan ngunit to be tested pa.
- Pwedeng gamitin sa badminton. At pwedeng magbadminton sa gabi dahil may flashlight nga.
-Cons
-Maaaring ikaw ang makuryente.
-Hindi safe na ipagamit sa bata. Lalo na't inuubos ang baterya dahil ginagamit nila sa halaman.
-Mga 8 hours ang charging time. Na napakatagal lalo na't kunwari may nakita kang lamok tapos naeexcite ka nang kunin yung swatter.
-Hindi napapalitan ang rechargeable battery. Siguro pwede pero hassle talaga.
-Hindi ganun kaganda ang flashlight.
Magnifico
,sumulat noong 12:38 AM