Tuesday, July 17, 2007
{*News on Goods: Bad*}
Sabi ng nanay ko kagabi sabi daw sa balita hindi na daw mag iimport ang China ng mga goods nila dito sa Pilipinas, pati sa U.S., inookray daw kasi natin mga produkto nila kasi mababa daw kalidad. Aba, alarming ito dahil mawawalan na tayo ng mga mura pero useful na mga produkto. Tulad na lamang nung electric fly swatter at iba pang electronics na nakakatuwa.Eh kung totoo...wala pa akong makita sa internet, or are my search engine powers depleted?!
Pero yung China naman anlakas mag illegal fishing sa western seas natin eh. Yung mga pinagkukukuha pa nila yung mga protected tulad ng Mameng (humphead wrasse). Wag na rin sana nilang gawin yun. At wag na rin nating okrayin mga produkto nila. Edi kung ayaw niyo edi wag bumili.
At sa balitang pampalakasan...haha joke...
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga game developer kapag may serious deadline sila. AMPANGET ng feeling. Nag mamanifest sa health!
Magnifico
,sumulat noong 3:11 PM