Tuesday, July 10, 2007
{*Waw magagamit ko ang hobby ko sa acads!*}
Kanina sa PanPil ay wala ang aming maestro ngunit mayroon siyang pinadalang sugo para ipahayag sa amin ang utos ng maestro.
"Yung mga epikong pinasa niyo (Wala akong napasa!!! Sabi ni ano walang assignment eh!! hahaha!!) ay gawan ninyo ng presentation. Pwedeng dula, boardgame, mtv, videogame, maikling movie (nakalimutan ko na yung iba)"
Aba! Videogame!
Naisip ko kaagad yung rpgmaker. Grabe, pwede palang magamit sa acads yun.
At ang cool naman ng prof namin naisip niya ang videogame. Malawak ang kaniyang pang-unawa..hahaha!
Magnifico
,sumulat noong 10:31 PM