Friday, August 10, 2007

{*Naaalala niyo pa ba? w/ comments from me*}
Hinalukay ko talaga to sa email inbox ko dahil hindi ko makalimutan ito at tawa ako ng tawa ng binasa ko to.

*kumakain ka ba ng aratilis?
Of course! Dati sa fish pond ng lolo ko maraming aratilis dun...hehe...

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy
bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng
walis tingting?
Wahahaha oo grabe. At oo tingting talaga.Kalaro ko mga pinsan kong babae. Ako lang lalake nun sa magpipinsan.

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at

di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
Oo.May sinturon pa nga eh.Hindi daw ako tatangkad pag di ako natulog.

*marunong ka magpatintero, saksak puso,

langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
Hindi ba tedeber-tedeber? Oo sama mo pa yung chato tsaka shake shake shampoo.

*malupit ka pag meron kang atari, family computer

or nes?
May ATARI ako bwahaha! Kaso isa lang cartridge ko tapos di ko na makita yung atari. Wala akong family computer, yung Good Boy lang, yung rip-off ng family computer na pwedeng lagyan ng cartridges nun. Yung logo pa nga nun yung batang lalaki na may sumbrero tapos nakalabas yung isang braso niya.Hahahaha.

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,

right, left, right, a, b, a, b, start?
Contra ba yan? Alam ko sa Contra yan eh. Ito malupit. a,b,b,a,down,a,b,b,a,down,up,up. Alam mo ba kung para san yan? Para mapalabas si noob saibot sa Mortal Kombat.

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,

Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita
ka ng Bench na damit eh naalala mo si RichardGomez?
Boy London,Cross Colors at Esprit. At oo si Goma naaalala ko sa Bench. Hahaha.
Dati may Boy London pa ako na relos. Yung Blowing Bubbles pambabae ata yun eh.

*addict ka sa rainbow brite, carebea rs, my little

pony,
thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos,
he-man at marami pang cartoons na hindi pa
translated sa tagalog?
Naaalala ko yung Rainbow Brite pero mas naaalala ko yung Jellyace na produkto nun. My little pony yes.Thundercats no.Bioman wag niyo ako tanungin alam niyo na sagot.He-man oo.Daimos oo.Mazinger Z hinde kasi nababaduyan ako sa itsura niya.Voltes V oo naman. She-ra nakalimutan mo. Marami pa. Benjie, Zack and the Alien Prince,Kimba the White Lion,Rocky and Bullwinkle,Tintin,Camp Candy,Dragonflyz,Skydancers,Mr.Bogus,Denver the Last Dinosaur,Little Rosie,King Arthur and The Knights of the Round Table.Hahahaha ayoko na.


*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si
annie at type na type mo ang puting panty nya?
Oops. Wahehehehe!! Naalala ko yun tatalon siya sa ilalim ng camera! At porn star si Annie alam ng lahat yun.

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na

talaga ng 5.25 na floppy disk?
Ahahaha nakahawak na ako ng ganyang floppy. Di ako marunong mag wordstar pero nakasubok na ako kasi ginagaya ko yung paghack nung isang character sa BT'x nung kinakalaban na nila si Rafael. Ambilis niya magtype nun eh naimpress ako. Tsaka wheel of fortune lang ang nalaro ko dati sa pc.

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo

magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...
nung high school ka inaabangan mo lagi beverly
hills 90210?
Napapanood ko yung beverly hills 90210 crush na crush ko pa nga nun si Shannon Doherty. Tapos dun ko unang narinig yung Bizarre Love Triangle na kanta. Sa batibot hindi ko inisipan ng ganun si Kuya Bodgie at ate Sienna.

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang

bangs mo?
Ay hinde. Pero alam ko to. Uso pa nga nun flat top kaso nag fail ako sa pagpapagupit ko ng ganun.

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at

meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
oo. It's the Mighty Kid Super Squad! May ad pa sa For Kids Only ng Channel 2. Tapos umiilaw ilaw pa yung sapatos.Hahahaha!

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig

ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo
kung sino ang crush ng type mo?
Yung kapatid ko ang gumagawa nito. Hahaha. Samahan mo pa ng paper dolls na kadalasan anime style.

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit

girls?e si luning-ning at luging-ging?
Batibot. Hehe..isama mo pa ang "Muling Sumasainyo ang Teatro Bulilit" at si Irma Daldal.

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo

makaka! limutan ang time space warp chant?
"Ihanda ang time space warp"
"Time space warp ngayon din!"
"Shigi-shigi maka shigi uwa"
"Ang time space warp ay nagbibigay ng karagdagang lakas sa kalaban upang talunin si Shaider"

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?

McGyver lang. Naaalala ko pa yung intro music.

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone

number nyo dati?
Hinde.Hahaha.Nung unang dating ng telepono namin ito na yun. Tapos paunahan kami sumagot ng telepono nung unang dating.Hahahaha.

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko

lang ang dala?
Wa hinde. Hindi ko abot.Hahahaha.

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo

ang song na "eh kasi bata"?
Oo. May duckie dance pa siya. Tapos kasama pa niya si Lady Lee. Yung eh kasi bata dun galing si L.A. Lopez. May trivia portion pa siya dun na nakakainis yung kanta niya.

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa

glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng
nanay mo sa ref?
Yessums! Wala pa si Chuckie nun.

*meron kang pencil case na maraming

compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
Oo. May lalagyan ng eraser na nagpopop out. May magnetick lock, may pinball. May tasahan. Hahahaha...

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

Hindi ko na naaalala yung Goya Fun Factory yung Goya lang. Tapos alam ko kung nasan siya. Nasa malapit sa Rizal. Medyo katabi ata ng pagawaan ng sigarilyo o gulong ata yun. Naghahalo yung amoy ng tsokolate at gulong/sigarilyo.

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at

"alagang-alaga namin si puti"?
Aaaa noooo...

*alam mo ang kantang "gloria labandera"..

lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,
asawa ni marie"... hehehehehe?
Yung gloria labandera recently lang. Yung asawa ni marie oo.

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at

nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?
Yes, Play-doh. Pero hindi play-doh tawag namin. Clay-doh. Tapos may iba-iba pang accessories para makagawa ka ng hamburger, hotdog, etc. Lego oo. Lagi akong nagpapauwi ng lego dati sa papa ko. G.I. Joe pinilit lang ata ako maglaro nito ng tatay ko kasi di naman ako humihingi nito. Masgusto ko yung Teenage Mutant Ninja Turtles na action figures.

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at

yung diyes na square?
Yehey! Oo. Yun ba yung may sampaguita tsaka Lapu-lapu?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat

talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...
diba naninipit yun?
Di naman...

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera

yung batang umakyat ng puno para bumili ng
panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano
binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
hinde...

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na

alam mo hanggang ngayon.. aminin?
Humanap ka ng panget?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag

pinapawisan ka?
Oo. Harhar. O kaya good morning towel. Tapos sando ko pa ay yung may butas butas.

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble

gum... tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?
Bazooka oo may comics pa tsaka yung kending sinawsaw sa asukal. Ito pa: Mik-mik, pompom,cheez-it,yung bebolgam na kulay red lang tapos di kinalaunan nag iba-iba ng kulay lasang plastic kasi pag red lang. Yung mga teks na maliliit na may comics din. Pati yung may free na parts ng isang action figure. Tapos may isa akong binibili na paborito ko parang jelly na red na may powdered coating. Nakalimutan ko na yung tawag huhuhuhu. I miss you.

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno

tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at
sanay ka tawagin ang porno as BOLD?
No. Ang naaalala kong pinapanood ko sa betamax ay Never-ending Story,Edward Scissorhands,Willows,Short Circuit. Hehe. Anyway kapag may langgam langgam na yung picture sa tv kailangan nang ilabas yung tape head cleaner at kailangang hipan yung lalagyanan ng tape. At oo bold ang tawag ko sa porno. "May bold diyan eh" "Ay bold!"

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla

magugunaw daw ang mundo?
Oo! Hahaha! Pati Millenium Bug!

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA

NG! 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA
23-25 KA...
HINDE!!!!

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA

LANG... DIBA ..75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP
NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA
MOUNTAIN DEW? HAHAHAHAH
Ang naalala kong pamasahe ay 2 pesos tapos sa SM North lang ata ako nakakapunta. Tapos sa People's Park pa yung paradahan ng jeep nun. May pet shop dun na nakaka-amaze kasi may eagle...yak nagkwento na...di ko pala natikman yung mellow yellow.

...KaryA


Salamat KaryA kung sino ka man!

At kung gusto niyo pa ng maraming 90's stuff ito o: Bring Back The Nineties

Bakit ganun. Ang pop culture natin ngayon ay panget na. Love Radio, Wowowee,etc. haynako! At walang batibot! Puro ingles na ang mga Children's Show! At yung mabibili niyo sa tindahan wala na yung mga kending binuhusan ng pagmamahal nung ginawa!

Magnifico ,sumulat noong 1:17 AM

Comments:
hahaha ppotek!!! kay ganda maalala ng mga bagay nato haha! well halos lahat hahah!
 
di ako nagchato. hayskul ko na yun na-encounter
 
nyahaha dami namin family computer nakalima kami kasi siguro nasisira
 
nyahaha galing. gusto ko nung contra pag pinapanuod lang. kasi yun talaga yung takot ko. sa mga video games. feel na feel kong ako yun andun kaya naduduwag ako. para mapalaro mo ako kailangan two player. sa mortal kombat gusto ko si raiden. napapagteleport ko sya nang hindi alam ang pinipindot nyahaha
 
siguro nga pambabae. meron ako nun eh
 
cartoons naaalala ko. nakikinuod ako kay kuya kahit di ko naiintindihan na may paulit-ulit na commercial ng regent
 
yung disk na mataba. nyahaha ang lake! pero hindi ako marunong gumamit ng pc nun
 
ayoko ng beverly hills ewan kung bakit. haha si kuya bodjie? waah wala pa akong muwang na me love team palang ganun. takot ako kay kapitan basa. hindi ko alam kung bakit. siguro kasi super brown nya tas naka-striking yellow siya o dahil lang malaki yung libro niya
 
hay kahit yang slumbook meron ngayon
 
haha yun pala yun. naririnig ko ang shaider pero di ko alam kung alin sa mga hapong palabas yun. haha kung hindi mo pa ginamit yung chant
 
super idol ko si mcgyver haha. yung intro nyan parang chip &dale rescue rangers di ba?
 
eh yung eh kasi bata ata meron pa nung grade 5 tayo
 
di ko inabutan ang magnolia na babasagin
 
o malapit dito ang goya? ewan ko lang haha serg's ang nakikita ko rito haha o dito ba yun? nyahaha
 
tae naiirita ako kay LA lopez. nasobrahan ng iodized salt
 
pagod na ako sa dami... kumakain ako ng bazooka, sweet corn. nyahaha. wala naalala ko na naman yung snacku na paulit-ulit
 
yung lola ko! haha..naalala ko pa nga yung number 799101..haha..nagkwento daw.. at naaalala ko rin na palagi ko nilalaro yung phone kasi yung iniikot na type pa tas babalik..haha..at ang dina-dial ko rin ay yung number na 799101 kasi wala naman akong ibang alam..haha..:D
 
oo angganda talaga maalala para kang bata ulit..hehehe...
 
Stella grabe reaction paper yung comment mo..hahaha!
 
waw nakagamit na rin ako ng de-ikot na telepono! Kaso di ako marunong magdial nun nilalaro laro ko lang..hahaha...
 
hoy machokis nyahaha naisip ko nga eh.. parang dapat kinuha ko na lang at gumawa ako ng gantong entry. nyahaha na-carried away super
 
oo nga eh naisip ko nga rin yan.hahahaha.nagulat ako kaninang umaga pagbukas ko 16 comments agad...hahaha!
 
at kamustang mga oras yan?! 1:32-1:48 haha noging nostalgic talaga ako
 
hehe nakakatuwa... nakakamiss ang childhood days...
 
haha, james, mga 23-25 years old ka pala eh!!! wahahahahaha =))
 
hahaha oo nga! napapareminisce ako ng wala sa oras. hahaha. alam ko rin yung theme song ng mcgyver!!! tas nangongolekta kami ni kuya ng lego at GI joe (buhay pa actually lahat ng yan, nakatambak lang dito)!!

james... antanda mo na. =))
 
yung lego namin wala. nakakalat. ginagawa kong sangkap sa lutu-lutuan. tama ba yon?! haha
 
ahahaha...ako rin..madaling araw bigla ko kasi naisip halungkatin yan..hehe..
 
weweweweh!
 
tama si stella parang chip and dale yung theme song ni mcgyver..hahaha!
weh parang ikaw di matanda!
 
wa sayang naman yung lego!
 
haha. haha ulit nyahaha hindi ko pa alam ang sense ng gma bagay-bagay. ang hirap pa baklasin kasi wala kami nung pantanggal?! sa robotics lang ako nakakita ng ganon
 
atari at family com! hahaha.. nag-uunahan pa kami nun. chaka nakakapuyat pa. nyahaha. =)
 
nako pag nahanap ko talaga yung atari ko...wala na..hahaha!
 
uuui, ginagawa rin namin yan!! hahaha
 
yung?
 
ung linuluto kunwari ung lego--basta ilalagay sa isang plato, mangkok pa nga un na gawa sa kahoy, tas hahalu-haluin. magandang ingredient ang lego kc maraming pieces eh. hahaha
 
sinasayang niyo yung lego hahahaha...
 
WOW! hahaha can i repost this?? :D:D oh bring back the 90s!!!
 
sure!
 
ay okay po. haha. sige gagawin ko yan. :D oo nga, pang americano ung sakin.
 
Post a Comment

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com