Saturday, November 10, 2007
{*war3movie.exe*}
Ayan nilabas na ng Blizzard ang official statement na magkakaroon ng warcraft movie.(Thanks to Pepe for the link.) Over $100 Million ang budget. 2009 ang release date. Palagay ko naman magiging matino ito. Kung maging matino man, ito ang unang matinong movie adaptation ng isang video game na hollywood ang gumawa. (Hindi kasama yung matinong Advent Children hindi naman US yun e.) Ok naman siguro kasi gagawa rin talaga yung Blizzard dito. Pero naisip ko sana inuna nila yung STARCRAFT kasi mas-maraming naghihintay na isapelikula ang starcraft. Sana may malaking mouse pointer na naghohover buong movie. Hahaha joke. Teka anu na bang mga video game to movie adaptations ang nagawa? (Mga naaalala ko lang.)
1. Street Fighter (Eh matino-tino pero dahil kay BLANKA...)
2. Mortal Kombat (Hollywoody eh.)
3. Top Gun (Di ko pa napapanood pero crappy daw.)
4. Bloodrayne (B-movie)
5. Final Fantasy The Spirits Within (Mas mukhang STARSHIP TROOPERS kaysa FF)
6. Silent Hill (Hindi mukhang silent hill)
7. Resident Evil (The crap of all crap. Kahanay ng Zaido sa hindi pagbibigay justice sa pinagbasehan nila.RE wasn't supposed to be an ACTION MOVIE.)
8. Tomb Raider (Ok mukhang Lara Croft si Angelina Jolie pero jollywoody pa rin.)
9. Hitman (Pending)
Ito naman mga gusto kong gawan ng movie.
1: Tekken (Gusto ko si Denzel Washington si Bruce hahaha!)
2: Starcraft
3. Earthworm Jim
4. Silent Bomber
5. Galerians
6. A Better Resident Evil Movie
Magnifico
,sumulat noong 10:37 PM