Monday, May 12, 2008

{*Rice and Potatoes*}
Binalita sa TV Patrol na baka daw umabot ng 50 pesos ang isang kilo ng bigas. Nakakalungkot naman. Staple food nating mga Pilipino ang bigas eh. Marami ang naghihirap, maslalo pang maghihirap kung magiging 50 pesos ang isang kilo ng bigas. Ngayon nga 30 pesos na eh.

Kaya naman, kapag naging 50 pesos ang bigas, sinusuggest ko na minsan gawin nating substitute ang patatas. Sabi ng nanay ko 30 pesos lang ang isang kilo ng patatas. Makakatipid tayo ng 20 pesos. Masmabigat pa sa tiyan. Masmasarap pa. Yung 20 pesos pwede niyong ipambili ng mantika para gawing french fries yung patatas. O kaya naman pambili ng kaunting butter, gatas at cream kapag maramihan at kung may okasyon para gawing mashed potato. O kaya naman mayonnaise. (Masarap ang patatas na may mayonnaise). Pwede ring plain lang. Masarap pa rin.

Halata bang patatas person ako? Hahahaha.

Magnifico ,sumulat noong 12:13 AM

Comments:
kamote na lang. bwahahaha. babaho ang Pilipinas.
 
Wahaha, sarap ng patatas...ang taas lang ng glycemic index...kamusta ka na james?
 
ano yun kuya miko? sugar content ba yan? hehe...pm ko sayo ang sagot sa iyong tanong.
 
Ehhh..matamis yun eh! Hahaha...
 
HAHAHA. this post is funny. :))
 
inde, ang glycemic index ay kung gaano kabilis maabsorb ng katawan ung sugar nung pagkain.. sooo.. mas mabilis tumaas ang blood glucose mo. la lang.

important for diabetics. hmhmhm.
 
hindi ba politics lang yang pagtaas ng presyo ng bigas? hmm.. pero prefer ko pa rin patatas.. haha
 
so kapag kumain ng patatas, mas madali kang mag-hyperglycemia. ^_^
 
Ui seryoso yan..hahaha!
 
Aaahh...edi maganda naman sa mga hypoglycemic yan kung ganon?
 
Magkahalo? May factor din naman yung pagkasira ng mga palay, pero oo nga, masmalaki yung sa politics. Yung pag-import kasi natin ng bigas tsaka yung land use natin. Mali-mali ang polisiya eh..
 
Tulad ng tanong ko kay dremon, edi pag hypo ka maganda yun?
 
oo nga daw, politics lang daw.. ewn ko ba.
 
depende rin sa tagal ng hyperglycemic levels... ayun. hehehe.
 
pero pano naman kasi magkakaron ng shortage eh malaking % ng pananim natin ay palay?

biruin mo, ginulo na nga nila yung sistema, GINUTOM pa nila mga tao! ano ba talaga gusto nilang mangyari?!?!
 
Eh kasi ngaaaa...mali ang pag-gamit ng lupa ng gobyerno...tsaka import tayo ng import ng bigas. Hindi tuloy nagiging productive yung mga magsasaka natin. Lagpas na nga tayo ng pinapayagang pag-import ng bigas eh...bakit kasi nag-iimport pa hindi na lang paramihin yung kung ano meron tayo para magkaron tayo ng surplus ambot hindi naman ako ekonomista tanong mo yung mga may pakana ng importation na yan.
 
haha.. sori na..wag ka naman magalit sakin... carried away lang.. so sila talaga mali?
 
Hoy di kita inaaaway..hahaha...ah isa pa..kasi tayong mga Pilipino anak kasi ng anak!!
 
lam ko nah...mag less-carbs, no-rice diet yung mga medjo above poverty nman (yes, you!).. bababa yung demand, mbbusog yung less-fortunate families, and maging fit n sexy pa kayo! hehe
 
hahaha natuwa naman ako dito. hehe.
 
anggandang suggestion. maganda yan maganda... aus ung puro gulay-gulay lang, nakakabusog un, anggaling. =D pero di ko pa rin kaya ng walang karne... haha
 
masarap ang patatas!! =D pero panget ang french fries... oily hahaha
paborito ko ang corned beef at patatas!! =3
 
Masarap ang kamoteeeeeee.
 
Hinahaluan ko ng mushrooms para mas masarap! Hahahahahaha. Kahit ano naman nilalagyan ko ng mushrooms e. :))
 
sa reply mo. naaalala ko nung bumisita tayo ng IRRI.

may isang nagbanggit sakin na empleyado dun, nagtanong kasi ako pagdating sa puting bigas at yung usual na medyo colored sa tulad ng NFA rice.

so syempre, sinabi nya sakin, as an act of courtesy.

parang lang raw materials lang ng pinas ang ine-export yung rice natin, so let's say galing dito, ipadala sa *insert country name here* then parang kukulayan or whatever para pumuti, then ibebenta ulit dito satin. ng may napakalaking patong. :D

so san pa tayo? astig dba?
 
haha, delikado ren kuya kung palaging patatas ang kinakaen. :)) (siyempre lahat nmn ng sobra ay masama) at me potassium ang patatas(wait banana ata yun hahaha)


p.s. sana ako nalang tumaas, este tumangkad pala :))
 
hmm dagdagan ng mushroom??? anung lasa nun...

c kuya ang mahilig sa mushrooms. tuwing pinagluluto nya ko ng pagkain, lagi na lang buttered mushroom, un na ung ulam namin... aus naman pero pag marami, mejo nakakaumay... hahaha

ah tas c ate heidi, kahit ano linalagyan niya ng cheese. as in kahit ano. hahaha
 
Bukod sa land use conversion at sa pagdagdag o liberalize ng imports na nabanggit na ni james na nakita ko kanina sa UFS, andyan pa yung factor na, like the case of petroleum products, may cartel din na nagmomonopolize ng buong sistema ng rice procurement, mula pesticide hanggang binhi hanggang sa pagkamal ng ani.

Oh - don't be fooled by the sensational "crackdowns" the NFA does on supposed hoarders, I bet my pwet mga small-scale hoarders or fall guys lang yung mga pinapakitang nireraid nila sa TV Patrol. Maraming politicos ang kumi-kickback sa NFA diba? As proven by its continued existence even as corruption leeches millions from it (Again, andyan nanaman ang trend ng corruption & systemic balahuraness).


So kamusta naman yun diba? Kung lumipat ka sa patatas, di magatagal potato crisis naman ang meron tayo. Coz the system works that way eh. So now you see the big picture - what do you do about it instead of skirting the issue? I'm all for mashed potatoes but I don't want the local feudal lords to start making artificial potato shortages that justify high potato prices.

Seriously.
 
gusto nila tayong gutumin para yumaman.. yun lang yun..
 
an unjustified motivation, for that, since it is detrimental to the lives of all of us inconsequential people to their pofit-driven lives. the question that remains, then, is what solution the suffering must take? definitely its not potatoes, not everyone can afford farting all the time. XD
 
Diba ginagawa namang staple food ang patatas?
 
Tenchu leon sa mga karagdagang impormasyon. Note sa aking post hindi "full substitute" yung patatas. May "minsan" na nakalagay. Irgh nako kapag nagkaron ng potato crisis, alam na.
 
Eh yung mushroom hinahaluan mo ng mushroom? hahaha...
 
ooooh...kadiri. yung bigas namin dito na kinakain yung may kulay. masmabango.
 
bakit yung kanin palagi naman din yun a...hahaha pilosopo ako. kaya nga may "minsan" dun sa post ko eh. hahaha.
 
leon ano pala yung ufs? yung seafarers ba yun?
 
sarap sarap ng french fries eh...hahaha...
 
...napaka-politically-significant. wonderful.
 
university food service. haha.

edit - actually, pwede mong ifully substitute ang patatas sa kanin, yun naman ang staple ng US eh. along with bread (like us). pero ewan ko, kaya ata mababaho ang mga kano eh. puro karne't patatas. nyahaha.

pero masarap ang patatas. di ko kinokontest yun. at masarap isubstitute lalo na pag in mashpo form. yun nga lang, this issue is indeed too "politically significant" to treat (too) lightly. almost everything basic is politicized, for that.
 
astiiig. yan kasi topic namin sa natsci class, tungkol sa rice PRICE crisis. hindi sya actually kakulangan sa rice.. chuva politics. hmhm.
 
sa bagay. but at least nakastart yung post ng usapang may kuwenta...wahaha...
 
hala ka chel!
 
Post a Comment

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com