Tuesday, June 03, 2008
{*nagising kasi ako.*}
Nakatulog kasi ako ng mga 6 pm, eh nadere-deretso ko. Nanaginip ako na umaga na, mag na-9, eh enrolment day ngayon diba, so dali-dali ako bumangon. Pagbangon ko 1:30 am pa lang pala. Hahaha. Dumeretso ako sa cr, tapos pagharap ko ng salamin, nagulat ako sa aking nakita, "Hala maikli na nga pala buhok ko!" Hahahaha.
Nagpagupit ako sa Philcoa, sa Reyes, tapos cinompare ko dun sa pagpapagupit ko sa Bench Fix, aysus pareho lang! Kaya hindi na ako magbebench fix dahil napapamahal ako, pareho lang naman sa reyes, dapat lang talaga alam mo yung gusto mong gupit. Ngayon alam ko na. Kapag pumupunta kasi ako ng mga ganun, sinasabi ko lang "Kahit ano basta maganda" Hahahaha.
Magnifico
,sumulat noong 3:00 AM