Friday, October 19, 2007
{*You Are Not Thinking Like Terrorists.*}
Tignan niyo ha, pag pumupunta akong malls, naiinis ako kapag hindi nagchecheck ng maige ang mga guard kung may bomba ngang hawak ang mga pumapasok. Kunwari na lang dala ko yung maliit kong bag, ang mangyayari e papapasukin lang nila ako. Trinoma yun ha. Eh marami-raming tao sa Trinoma. Eh kung ako yung may dala? Pano tayo niyan?
Isa pa, TUWING MAY SASABOG LANG TSAKA TATAAS ANG SEGURIDAD. Kung ako terorista, ang gagawin ko, magpapasabog akong isa, tapos hindi muna ako magpapasabog. Aantayin kong maging mediocre ulit ang security sa mga establishments. Mga 2 months pwede na yun. Tapos magpapasabog ulit ako. Aba yung mga bomb sniffing dogs hindi niyo naman nagagamit ng maige sa mga malls. Natutuwa lang ako kasi waw belgian malinois and that's it. Hindi ko sila nakikitang pinapaamoy ng kung anumang gamit.
Ito pa. Bakit ka magpapastate of emergency agad? (This part was deleted dahil kay kuya drew. hahaha joke lang. sabi ko kasi pano kung lpg lang yun. mali ako.) So maslalong maghihinala yung mga tao na conspiracy nga yan! At anu na naman tong mga nakikisakay na pulitiko at chorvaness na kung anu-anong speculations na ang nilalabas on air? Kesho gobyerno may gawa para mas may paraan para magkamartial law, lalo na yang si trillanes!...abaw! Unahin niyo nga yung mga nasaktan tsaka antayin niyo muna sa PNP yung results ng investigation! At ito namang TV Patrol mali-mali impormasyon! Minsan sinasabi nila "ilang daan ang namatay at nasaktan" Eh pano kung kakabukas lang nung tv edi baka mamisinterpret niya yung number of deaths?
Puro ako reklamo no? Wala lang. Sa mga panahong ito ang Red Cross lang ang mapapagkatiwalaan ko.
Magnifico
,sumulat noong 10:46 PM