Friday, October 19, 2007

{*You Are Not Thinking Like Terrorists.*}
Tignan niyo ha, pag pumupunta akong malls, naiinis ako kapag hindi nagchecheck ng maige ang mga guard kung may bomba ngang hawak ang mga pumapasok. Kunwari na lang dala ko yung maliit kong bag, ang mangyayari e papapasukin lang nila ako. Trinoma yun ha. Eh marami-raming tao sa Trinoma. Eh kung ako yung may dala? Pano tayo niyan?

Isa pa, TUWING MAY SASABOG LANG TSAKA TATAAS ANG SEGURIDAD. Kung ako terorista, ang gagawin ko, magpapasabog akong isa, tapos hindi muna ako magpapasabog. Aantayin kong maging mediocre ulit ang security sa mga establishments. Mga 2 months pwede na yun. Tapos magpapasabog ulit ako. Aba yung mga bomb sniffing dogs hindi niyo naman nagagamit ng maige sa mga malls. Natutuwa lang ako kasi waw belgian malinois and that's it. Hindi ko sila nakikitang pinapaamoy ng kung anumang gamit.

Ito pa. Bakit ka magpapastate of emergency agad? (This part was deleted dahil kay kuya drew. hahaha joke lang. sabi ko kasi pano kung lpg lang yun. mali ako.) So maslalong maghihinala yung mga tao na conspiracy nga yan! At anu na naman tong mga nakikisakay na pulitiko at chorvaness na kung anu-anong speculations na ang nilalabas on air? Kesho gobyerno may gawa para mas may paraan para magkamartial law, lalo na yang si trillanes!...abaw! Unahin niyo nga yung mga nasaktan tsaka antayin niyo muna sa PNP yung results ng investigation! At ito namang TV Patrol mali-mali impormasyon! Minsan sinasabi nila "ilang daan ang namatay at nasaktan" Eh pano kung kakabukas lang nung tv edi baka mamisinterpret niya yung number of deaths?

Puro ako reklamo no? Wala lang. Sa mga panahong ito ang Red Cross lang ang mapapagkatiwalaan ko.

Magnifico ,sumulat noong 10:46 PM

Comments:
i share the same sentiments. =)

pero isipin din natin James, wake-up call para SA'TIN ito. =)
 
yeah...satin. di ko naman inaalis yun. hindi lang naman sa inyo ito. sakin din. hahaha...
 
pag babae nga di masyadong chinecheck. pano nga kung ako ung may dala? haay. matuto sana tayong lahat. :)
 
bat ngayon lang matututo eh parang andami na nangyaring ganito sa past.. nakakainis na. tsk tsk.

ung mga aso nga sayang lang. d ko talaga sila nakikita in action.

tas ung political aspect pa. namaaaaaaaan talagaaaaa.

ung lpg, feeling ko inde. kaya ba ng lpg na ganun kadamaging ang labas? eh hanggang 2nd floor pa ata d ba? tas ung elevator sira daw talaga.

naman naman. the philippines talaga..
 
haha, that only proves that our government is deteriorating. :)
I agree po sa mga sinabi mo. ^^
 
diba? parang sinusukat lang nila bewang mo.
 
pwede rin siguro lpg kasi stockroom ng restaurant yun..malamang maraming lpg dun hindi lang isa. so malaking blast talaga yun.
 
I think the whole world is deteriorating. Endtimes na kaya to?
 
The restaurant manager said they don't use LPG.
 
and james... siyempre they can't think like terrorists... you have to understand that they don't have the capacity... to think...
 
Oh my goodness they didn't report that on-air. Ok masmalamang na bomba yun.
 
kasi hindi ka kapuso... sinabi yun sa 24 oras...
 
Ah pareho lang ang 2 at 7. Anyway tinignan ko na sa net. Masmalamang nga hard explosive siya.
 
pero sa 7 maraming on site exclusive interview si mike enriquez...
 
on site din yung 2. pero talaga? aw dapat yun na lang pinanood namin. sa 2 si dick gordon lang nainterview nila.
 
ah oo. haha. maybe it's the start of endtimes, sabi nga sa bible mas malala pa dyan ung mangyayari sa future eh. remember the 666 event? haha. sabi ng kapatid ko microchip sya ng motorola daw na ilalagay sa ulo ng tao? haha. ewan ko pero possible na mangyari un. haha. napalayo ang usapan.
 
naiinis ako sa half-assed checking, meaning ok saken either full check or no check at all.

kung no check, edi ayos, bawas hassle. mabomba na 'ko kung mabomba, bahala na si batman at robin at alfred the butler.

pero kung full check, DAPAT FULL TALAGA at EFFICIENT meaning hindi maiipon ang mga tao sa pintuan. kung kailangan pa ng extra guards, wag kuripot tae naman! XD
 
o di kaya, tinitingnan kung basa ng pawis ung likod mo... ^___^;;
 
dapat magemploy sila ng mga bading na guard...mas magagaling mangapa mga yon.
 
hahahaha

eh baka iba ung kapain nila jantoy... ^____^;; pero may point ka, pwde pwde XD
 
i agree. :D
 
o yeah. go james! :D
 
ano na ba ang nangyayari jan.. dito, sa cr ang sumasabog eh puro stink bomb. hehe.
 
tama ka, madali ngang mag-smuggle ng kung anuman sa malls. di naman kasi tinitingnan ang bags ng mga tao, e. tapos strict lang sila a few days after ng bombing.
 
tama kapatid. nakakainis talaga yung paraan nila ng pag check e. ikaw na nga tong nagpepresenta na binubuksan yung bag mo hindi man lang nila titignan ng maayos. o paano kung wala pa la sa bag ko yung bomba, pano kung nasa sapatos ko pala?
 
sabi din ng dadd ko imposible daw na LPG lang yun tas ganun kalaki yung effect...malamang daw may kasama talagang bomba...
 
james! pareho tau naiiisip! pero meron ako masasabi.

RED CROSS AKO! HAHA! XD
 
TUWING MAY SASABOG LANG TSAKA TATAAS ANG SEGURIDAD

haha yan pa lang nabasa ko, ayoko na ituloy. alam ko na to. naiinis lang ako. hindi ko na nga sinasabi kasi palagi kong naririnig. pero para bang kumukulo ang dugo ko.

at isa pa. nairita ako sa reporting ng 7. puro na lang ground zero ang maririnig mo. parang manghang-mangha sila sa words na yun. paulit-ulit pa nila sinasabi kung ano yun. nagaya lang nila yun sa bombing sa US. nakakainis talaga! hay media.

at si trillanes na yan! naku! tama ka! yung mga nasabugan muna pwede? nakakainis lang kebago-bago... gawa ka muna batas! sinabi na nga ba't pag naluklok yan eh ngangawa na naman ng ngangawa. papapogi sa camera. wala pa naman ebidensya. hindi na sila kinilabutan!

ako iritang-irita sa mga nagchecheck na yan. perwisyo eh... buti sana kung lahat ng measures ginagawa... kaso hinde! sinasayang lang nila oras ko. nanilip ka pa ng bag kung hindi mo naman nagawa yung purpose mo! parang nagevade ka lang ng aking privacy. bwisit talaga. ang aga-aga!

pero jantoy... ayoko ng bading na sekyu, kahit lalake pa ang kakapkapan. yung thought pa lang. yikes! kahit san ko tingnan me malisya talaga. hahaha sorry naman
 
ahahaha stella nag blog entry ka na naman sa blog ko...ahahah joke...
 
Post a Comment

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com