Tuesday, February 05, 2008

{*Mga Kaekekang Kinalakihan Ko.*}
Kinolekta ko lang dahil mayroon akong 30 minutes na spare time. Ito ay yung mga narinig kong mga kaanuhan nung bata ako. Kung gusto niyo dagdagan magcomment lang kayo.


1. Ang Babaeng Ahas Sa Robinson's Mall


Nakalimutan ko na kung saang Robinsons ito...sa Galleria ata. Anyway, may iba't-ibang versions to ayon sa aking mga nabasa/narinig.

a. May babaeng ahas na kakambal ng anak ni Robina/May ahas na normal as in ahas lang.
b. Nakatago ito sa isang lihim na kwarto sa baba ng dressing room ng babae.
c. May trap door sa dressing room kung saan mahuhulog ang kung sino mang babae na matipuhan na nasa dressing room
d. Kinakain ni babaeng ahas/ahas yung babae.
e. Nakuha daw si Rita Avila, tapos yung nakikita daw natin ngayong Rita Avila eh kambal lang niya / Si Alice Dixon nakuha na rin daw.

Comment Paninira daw ito ng Megamall sabi nila. Eh ayun obvious naman na di totoo ang UB na to.



2. Patay na si Ultimate Warrior


Namatay daw si Ultimate Warrior ng World Wrestling Federation kasi sinubukan niya buhatin si Andre the Giant tapos sa bigat ni Andre the Giant pumutok ang muscles niya. Ito pa lang ang version na naririnig ko.

Comment Antagal ko naniwalang patay na si Ultimate Warrior pero hinde. Nag quit siya sa WWF tapos ngayon ay isa na siyang motivational speaker at may matching blog pa!



3. Kapag Nagkasugat Ka ng Malaki...


Maaaring:

a. Lalabasan ito ng kabayo
b. Lalabasan ito ng kabayong may karwahe pa.
c. Lalabasan ito ng pari
d. [from imma] Yung kinain mo dun lalabas.
Comment Aba pumutok yung kanang kilay ko at may bumaon nang bato sa paa ko hindi pa rin nilabasan ng kahit pygmy horse man lang o batang nag First Communion.



4. Hindi ka na Lalaki


Nangyayari ito kapag nakahiga ka tapos tinalunan ka ng kung sinong tao. Kailangan talunan ka niya ulit.

Nangyayari rin ito kapag hindi ka natutulog sa tanghali.

Comment Nako gusto ko yung pangalawa. Sana sinasabihan pa rin ako ng nanay ko na hindi ako lalaki kapag hindi ako natulog sa tanghali. Hahaha...



5. Nagkakaanak ang Kisses


Ang kisses daw, yung mabangong butil ng kung anong komposisyon, ay dumadami kapag nilagay mo sa bulak na may alcohol.

Comment Hindi ko na naconfirm to kasi hindi ko talaga na observe yung mga alaga na kisses ng mga pinsan kong babae.



6. Kapag ikaw ay nauntog ng malakas...


Mabobobo ka. So kailangan untugin mo yung baba mo para hindi ka mabobo.

Comment
Ahahaha lagi namin tong ginagawa pero parang nabobo pa rin ako pagtanda ko..hahaha...



7. Kapag lumabas ka ng bahay...


a. Kukunin ka ng mumu
b. Kukunin ka ng Bumbay at isisilid sa sako.
c.(from Caleb) Kukunin ka ng mama tapos kukunin niya dugo mo tapos gagamitin sa pag     gawa ng tulay.

Comment
Racist comment ang nasa letter B so wag na sana nating gamitin.



8 . Kapag marami kang kuto...


Ililipad ka raw nila papunta sa tuktok ng kawayan / puno ng papaya / Bundok Makulot (from Ate Charm) sa sobrang dami nila.

Comment Walang pakpak ang kuto.



9. Spice Girls


Hindi raw girls ang Spice Girls. May spice lang.

Comment
Antagal ko rin naniwala dito nadisappoint nga ako e. Pero to my relief hindi totoo.



10. Nick Carter


Kaya raw hindi nagtatanggal ng t-shirt si Nick Carter eh dahil hindi siya talaga lalaki.

Ayon naman sa version na sinabi ni Imma, dahil nagpatanggal siya ng nipples.

Comment
Ang alam kong totoo ay meron kasi siyang peklat na malaki sa katawan niya.



11. Ice Cream Cone ni Maranan


Wag mo daw kakainin ang dulo ng ice cream cone ng mga dirty ice cream kasi nilalagyan nila ng kulangot ang dulo non.

_________
{________}
 \            /
  \          /
   \        /
     \    /
      \  /
       *     < ===== May hindi kaaya-ayang bagay.

Comment Alam niyo hanggang ngayon kahit hindi naman totoo yun ay hindi ko na talaga kinakain yung dulo para sigurado. Pati nga yung nabibili sa mga box sa mga grocery hindi ko na rin kinakain yung dulo.



12. Pure Foods Hotdog


Gawa raw sa bulate ang hotdog ng Pure Foods.

Comment Siyempre hindi totoo pero sa explanation ng mga tao mahal daw kasi ang uod na ginagawang hotdog at di ganun kamahal ang pure foods. Hahahaha...



13. Kapag nagbibiro ka ng kutsilyo...


Sasapian ka ng dwende.

Comment Hindi totoo pero creepy pa rin kapag naiisip ko.



14. Kapag nagdrowing ka sa lupa ng...


Araw: Edi aaraw!!! Nyii!!

Comment Gawain namin to dati dahil kami ay mga batang araw.



15. Kapag may singaw ka...

Ibig sabihin hindi ka naliligo.

Comment Ibig sabihin hindi ka nag tutoothbrush!!


16. Kapag humikab ka sa simbahan..


Ibig sabihin katabi mo ang bad spirits.

Comment Siguro nga, kasi tinutukso kang matulog..nyahaha!


17. Kapag sinisinok ang bata...


a. (from Imma) Lagyan ng sinulid sa noo.
b. (from Ate Charm) Ipakapit mo sa maliit na papel.

Comment Masmahirap daw maghanap ng tubig kaysa papel at sinulid.




18. Kapag di ka kumain sa gabi


a. [From Imma]Babangon yung spirit mo tapos maghahanap ng pagkain sa kitchen nyo tapos hindi na babalik.

b. Babangon kaluluwa mo tapos maghahanap ng pagkain tapos kapag bukas yung kaldero niyo ng kanin papasok yun dun tapos kapag sinara ng nanay mo hindi na sayo makakabalik yung kaluluwa mo.

Comment In fairness natatakot talaga ako dito nung bata ako!




19. Kapag may kuliti ka...


a. Ibig sabihin namboboso ka.
b. Kailangan mong ipatanggal yung isang pilik mata mo sa isang tao na panganay sa pamilya para gumaling.

Comment Hindi ako namboboso pero nagkakakuliti pa rin ako. At parang maiimpeksyon naman ata kapag nagpatanggal kang pilik mata!



20. Ang masarap na Ma-Ling


a. Gawa raw sa daga [From Imma]
b. E diba maraming tao sa China...so ang hirap daw sa sementeryo nun wala nang pwesto...so yung iba daw na namamatay na Chinese, ginigiling nila tapos ginagawang Ma-Ling.

Comment Morbid morbid morbid morbid.

21. Kapag naligo ka ng Good Friday...

(from PJ) Mamamatay ka.

Comment Mabaho ang Pinas pag Good Friday.

22. Kapag nakalunok ka ng buto(seed)...


Tutubo ito sa loob ng katawan mo

Comment Aba isa ito sa mga pinakaconvincing na kaekekan sa buong Pilipinas!

23. Kapag sumipol ka...

Hahangin!

Comment Walang scientific explanation pero madalas tong gumana! Hahaha...


KAPAG MAY NAISIP PA AKO IDADAGDAG KO NA LANG.

Magnifico ,sumulat noong 12:10 AM

Comments:
SHET SHET SHET. hahahahaha. nine na yata ako nung nakumbinsi ako ng nanay ko na mag-fit ng damit mag-isa dahil sa chismis na ito. hahahahaha!!
 
OO!! Pero ngayong college ko na lang 'to napatunayan. Yung kisses na parang jelly ha, which is apparently, ang kisses ng bagong henerasyon. Basta hindi yung kisses na matigas nung panahon natin. Hahahahaha!
 
Buti na lang nung bata ako hindi ako nag DEDRESSING ROOM. Nyahaha! On the spot fitting!
 
Ah talaga?! Nag eevolve pala yun!
 
Ang alam ko lalabas yung kinain mo dun sa sugat! Hahahahaha! :))
 
HAHAHAHAHAHA. yung pinapatong lang e no? hahahaha! e lalake kasi kaya pwedeng-pwede yun.
 
Hindi no..kahit pantalon dun na sakin pinapasukat!
 
Ay hindi ko alam yan ha...sige malagay nga...
 
15. Kapag may singaw ka ibig sabihin hindi ka naliligo.

Hahahahahaha. Aba more than twice a day naman ako kung maligo pero nagkakasingaw pa rin. Hahahahaha. :))

Ang sarap-sarap batukan ng mga original na may pauso nito. :))
 
Ahahaha...yan nailagay ko na...
 
16. Kapag humikab ka sa simbahan ibig sabihin katabi mo ang bad spirits.
>> Pinipigil ko talagang humikab sa simbahan kahit wala akong tulog. Hahahaha.

17. Kapag sinisinok ang bata lagyan ng sinulid sa noo.
>> TUBIG DAPAT ANG IPAINOM. Hahahahahahaha. :)) Muka lang tanga yung bata. Hahahahahaha.

18. Kapag di ka kumain sa gabi babangon yung spirit mo tapos maghahanap ng pagkain sa kitchen nyo tapos hindi na babalik.
>> Mas gutom pa sa taong hindi nakakain ng ilang araw ang may pauso nito. :))
 
AY IMMA naaalala ko yung 18!!! Ahahaha panakot yan!!!
 
Try mo nga magfit ng skinny jeans sa labas lang!! :))
 
19. Gawa raw sa daga ang maling.
>> Totoo ba to? Hahahaha! Di ko alam!! Pero gusto ko ang maling lalo na pag tustado. :))
 
hindi...pero may isa pang chizums sa maling.
 
ilang milyong beses din sa'kin knwento yang may ahas daw sa robinson's mall nung kabataan ko! nagaway pa kami nung kabarkada ko nung grade 5 dahil dito.hahaha si alice dixon lang ang nakarating sa'kin na nakuha ng ahas...pati pala si rita avila.hahahaha

in fairness, hindi ko nadinig yung sa sugat ha! e bakit yung ate ko, ilang beses ko na at nilaktawan yun lumaki pa din ng lumaki. ayun..5"10 tuloy ngayon. >_<

nagpapaanak din kami ng kisses noon, pero sa tubig at bulak lang.hihihi

yung sa kuto ang sinasabi sa'min, ililipad ka daw sa Bundok Makulot! (at apparently, meron ngang ganong bundok sa batangas!) yung sa ice cream naman ang alam ko, kasi madumi yung kamay ni manong ice cream, e dun sya sa may dulo humahawak, kaya madumi yung dulo ng cone. ako...kinakain ko pa din lahat.haha

nung bata kami, pag sinisinok kami, ang pinapakapit maliit na papel. >'<

grabe...iisa ang mga umiikot na kalokohan nung mga bata tayo!
 
boyet!c:
wahaha!..can relate..love it!c:
 
ahhhh!! ung hindi lalaki ang alam ko. at akala ko nung una lalaki as in boy. hahaha.

may iba ren akong ibang alam, pero yan nga tumatak sa utak ko. ung robinsons d ko alam. wakeke.
 
wahaha naniniwala din ako dun sa kisses dati! kasi naman merong kisses na malaki, parang buntis tuloy! :))
 
:| naalala ko to nung sinabi mo to sakin. ewan ko sayo james haha
 
kool---
kapag naligo ka ng good friday --mamatay ka

 
para lang to yung nung kabataan natin daw e parang panahon ng mga satanista kasi parang ang mo-morbid ng kwento kagaya ng nandudukot ng bata tapos hinahalo yung dugo sa pag gawa ng tulay. or yung larong langit lupa na napaka morbid ng lyrics
 
ang saya, boyet!! haha... never heard nga lang ang robinsons story... di ako tagarito eh! hahaha!! :P
 
Ate Charm baka kasi nilaktawan mo ulit ate mo kaya na-reverse..hahaha...ayun dinagdag ko na rin yung sa Bundok Makulot...yey salamat sa mga suggestions!
 
Hehehe...salamat ate pepay!
 
add mo lang dremon para dumami!
 
so nagkakaanak ba talaga yun??
 
Wahahaha...nung tinatype ko nga yun naalala kong sinabi ko sayo yun eh!
 
Woh? Edi mabaho ang Pilipinas pag Good Friday?!
 
Naisip ko nga rin eh...ngayon parang hindi na sinasabi sa mga bata yan eh...except dun sa pag lalabas ka kukuhain ka ng mama...
 
Sa bagay...parang dito lang naman siya chinismis eh...parang promotional story ni alice dixon..hahaha!
 
pagka naligo ka sa gabi mababawasab ka ng 1 cup na dugo????
 
pagka naligo ka sa gabi mababawasab ka ng 1 cup na dugo????
 
uhm ah..... nung second year bago ma-release yung meteora na album... ( kase matagal bago nasundan ng lp yung album bila) sabi nung pinsan ko patay na daw sila....
 
COMMENTS:

1. naniwala din ako sa babaeng ahas sa robinsons!! haha... tas natakot tlga ko. kc 1 beses lang ata kami pumunta dun tas nasa fitting room kami. sabay kwento ng ganun, eh first time ko narinig. natakot tlga ko. hahaha (note: high school na ko nun. hahaha)

3. kapag nagkasugat ka ng malaki,
may tutubong halaman sa sugat mo. XD

4. james super natawa ko dito!!! kc iba ung intindi ko nung una, ang intindi ko ay: hindi ka na lalaki, as in, lalaki = male. ahahahaha XD nag-eexpect ako tuloy ng tungkol sa mga bading. hahaha. pero ginagawa namin yan, ung kelangan daanan ka uli. bat ganun, kahit na binabalikan naman ako ni yam, xa ung tumangkad at hindi ako?? TT__TT tsaka siyesta rin. haha. dba may kaugnayan daw un sa growth spurt ng mga bata kaya kelangan matulog??

5. ung kisses, sabi rin ng mga kalaro ko nung bata ako tlgang nagkakaanak daw. linalagay pa sa ref para mabuhay sila. O___O

7. kapag lumabas ka ng bahay..
magpapakita sa yo ung white lady.

8. pag marami kang kuto.. HAHAHAHAHAHA!!! angganda nito!!!! =))

11. sabi nila wag daw kainin ung dulo ng ice cream cone. pero hindi ko alam kung bakit. sabi nila kc raw madumi un, kc un ung hinahawakan. hehe. pero kinakain ko naman xa.

17. kapag sinisinok, basain ang maliit na papel at idikit sa noo. tas uminom ng maraming tubig. haha, ginagawa namin yan.

18. ang detalyado naman nung pag di ka kumain sa gabi. haha, first time ko yan narinig.

20. hindi ko alam ung ma-ling... anu un?? hindi pa ata ako nakakakain nun.
 
oi pj alam ko yung sa lp..hahaha...pero yung version na alam ko...yung isang vocalist lang yung patay...yung semikalbo...hahaha...
 
hala jeanine...yung ma-ling yung chinese luncheon meat...i doubt na hindi ka pa nakakakain nun!
 
Comment: Ang sipag mo naman i-type 'to lahat hahaha.
 
Post a Comment

mooi.




you are farm visitor number:





Mga nakalibing na sulatin


November 2004

December 2004

January 2005

February 2005

March 2005

April 2005

May 2005

July 2005

August 2005

September 2005

October 2005

November 2005

December 2005

January 2006

February 2006

March 2006

April 2006

May 2006

June 2006

July 2006

August 2006

September 2006

October 2006

November 2006

December 2006

January 2007

February 2007

March 2007

April 2007

May 2007

June 2007

July 2007

August 2007

September 2007

October 2007

November 2007

December 2007

January 2008

February 2008

March 2008

April 2008

May 2008

June 2008

July 2008

August 2008

September 2008

October 2008

November 2008

December 2008

January 2009

February 2009

March 2009

April 2009

June 2009

July 2009

August 2009

September 2009

September 2010

farmer.
[]blogger
[]blogskins
[]photobucket
template by
[]munkkayy boy locquaciouslorine| wynecarla| stellotsoko| k-karen| kimiebruha| pepsiplutarco| psychogab| le-yo| abc-anna| stellajamiecombined| hurricanekatrina| diyenicar| datudean| bhanali| heennaah| immau| sbemail - FLASHTIG!| taskforces!|

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com