Tuesday, February 05, 2008
{*Mga Kaekekang Kinalakihan Ko.*}
Kinolekta ko lang dahil mayroon akong 30 minutes na spare time. Ito ay yung mga narinig kong mga kaanuhan nung bata ako. Kung gusto niyo dagdagan magcomment lang kayo.
1. Ang Babaeng Ahas Sa Robinson's Mall
Nakalimutan ko na kung saang Robinsons ito...sa Galleria ata. Anyway, may iba't-ibang versions to ayon sa aking mga nabasa/narinig.
a. May babaeng ahas na kakambal ng anak ni Robina/May ahas na normal as in ahas lang.
b. Nakatago ito sa isang lihim na kwarto sa baba ng dressing room ng babae.
c. May trap door sa dressing room kung saan mahuhulog ang kung sino mang babae na matipuhan na nasa dressing room
d. Kinakain ni babaeng ahas/ahas yung babae.
e. Nakuha daw si Rita Avila, tapos yung nakikita daw natin ngayong Rita Avila eh kambal lang niya / Si Alice Dixon nakuha na rin daw.
Comment Paninira daw ito ng Megamall sabi nila. Eh ayun obvious naman na di totoo ang UB na to.
2. Patay na si Ultimate Warrior
Namatay daw si Ultimate Warrior ng World Wrestling Federation kasi sinubukan niya buhatin si Andre the Giant tapos sa bigat ni Andre the Giant pumutok ang muscles niya. Ito pa lang ang version na naririnig ko.
Comment Antagal ko naniwalang patay na si Ultimate Warrior pero hinde. Nag quit siya sa WWF tapos ngayon ay isa na siyang motivational speaker at may matching blog pa!
3. Kapag Nagkasugat Ka ng Malaki...
Maaaring:
a. Lalabasan ito ng kabayo
b. Lalabasan ito ng kabayong may karwahe pa.
c. Lalabasan ito ng pari
d. [from imma] Yung kinain mo dun lalabas.
Comment Aba pumutok yung kanang kilay ko at may bumaon nang bato sa paa ko hindi pa rin nilabasan ng kahit pygmy horse man lang o batang nag First Communion.
4. Hindi ka na Lalaki
Nangyayari ito kapag nakahiga ka tapos tinalunan ka ng kung sinong tao. Kailangan talunan ka niya ulit.
Nangyayari rin ito kapag hindi ka natutulog sa tanghali.
Comment
Nako gusto ko yung pangalawa. Sana sinasabihan pa rin ako ng nanay ko na hindi ako lalaki kapag hindi ako natulog sa tanghali. Hahaha...
5. Nagkakaanak ang Kisses
Ang kisses daw, yung mabangong butil ng kung anong komposisyon, ay dumadami kapag nilagay mo sa bulak na may alcohol.
Comment Hindi ko na naconfirm to kasi hindi ko talaga na observe yung mga alaga na kisses ng mga pinsan kong babae.
6. Kapag ikaw ay nauntog ng malakas...
Mabobobo ka. So kailangan untugin mo yung baba mo para hindi ka mabobo.
Comment Ahahaha lagi namin tong ginagawa pero parang nabobo pa rin ako pagtanda ko..hahaha...
7. Kapag lumabas ka ng bahay...
a. Kukunin ka ng mumu
b. Kukunin ka ng Bumbay at isisilid sa sako.
c.(from Caleb) Kukunin ka ng mama tapos kukunin niya dugo mo tapos gagamitin sa pag gawa ng tulay.
Comment Racist comment ang nasa letter B so wag na sana nating gamitin.
8 . Kapag marami kang kuto...
Ililipad ka raw nila papunta sa tuktok ng kawayan / puno ng papaya / Bundok Makulot (from Ate Charm) sa sobrang dami nila.
Comment Walang pakpak ang kuto.
9. Spice Girls
Hindi raw girls ang Spice Girls. May spice lang.
Comment Antagal ko rin naniwala dito nadisappoint nga ako e. Pero to my relief hindi totoo.
10. Nick Carter
Kaya raw hindi nagtatanggal ng t-shirt si Nick Carter eh dahil hindi siya talaga lalaki.
Ayon naman sa version na sinabi ni Imma, dahil nagpatanggal siya ng nipples.
Comment Ang alam kong totoo ay meron kasi siyang peklat na malaki sa katawan niya.
11. Ice Cream Cone ni Maranan
Wag mo daw kakainin ang dulo ng ice cream cone ng mga dirty ice cream kasi nilalagyan nila ng kulangot ang dulo non.
_________
{________}
\ /
\ /
\ /
\ /
\ /
* < ===== May hindi kaaya-ayang bagay.
Comment Alam niyo hanggang ngayon kahit hindi naman totoo yun ay hindi ko na talaga kinakain yung dulo para sigurado. Pati nga yung nabibili sa mga box sa mga grocery hindi ko na rin kinakain yung dulo.
12. Pure Foods Hotdog
Gawa raw sa bulate ang hotdog ng Pure Foods.
Comment Siyempre hindi totoo pero sa explanation ng mga tao mahal daw kasi ang uod na ginagawang hotdog at di ganun kamahal ang pure foods. Hahahaha...
13. Kapag nagbibiro ka ng kutsilyo...
Sasapian ka ng dwende.
Comment Hindi totoo pero creepy pa rin kapag naiisip ko.
14. Kapag nagdrowing ka sa lupa ng...
Araw: Edi aaraw!!! Nyii!!
Comment Gawain namin to dati dahil kami ay mga batang araw.
15. Kapag may singaw ka...
Ibig sabihin hindi ka naliligo.
Comment Ibig sabihin hindi ka nag tutoothbrush!!
16. Kapag humikab ka sa simbahan..
Ibig sabihin katabi mo ang bad spirits.
Comment Siguro nga, kasi tinutukso kang matulog..nyahaha!
17. Kapag sinisinok ang bata...
a. (from Imma) Lagyan ng sinulid sa noo.
b. (from Ate Charm) Ipakapit mo sa maliit na papel.
Comment Masmahirap daw maghanap ng tubig kaysa papel at sinulid.
18. Kapag di ka kumain sa gabi
a. [From Imma]Babangon yung spirit mo tapos maghahanap ng pagkain sa kitchen nyo tapos hindi na babalik.
b. Babangon kaluluwa mo tapos maghahanap ng pagkain tapos kapag bukas yung kaldero niyo ng kanin papasok yun dun tapos kapag sinara ng nanay mo hindi na sayo makakabalik yung kaluluwa mo.
Comment In fairness natatakot talaga ako dito nung bata ako!
19. Kapag may kuliti ka...
a. Ibig sabihin namboboso ka.
b. Kailangan mong ipatanggal yung isang pilik mata mo sa isang tao na panganay sa pamilya para gumaling.
Comment Hindi ako namboboso pero nagkakakuliti pa rin ako. At parang maiimpeksyon naman ata kapag nagpatanggal kang pilik mata!
20. Ang masarap na Ma-Ling
a. Gawa raw sa daga [From Imma]
b. E diba maraming tao sa China...so ang hirap daw sa sementeryo nun wala nang pwesto...so yung iba daw na namamatay na Chinese, ginigiling nila tapos ginagawang Ma-Ling.
Comment Morbid morbid morbid morbid.
21. Kapag naligo ka ng Good Friday...
(from PJ) Mamamatay ka.
Comment Mabaho ang Pinas pag Good Friday.
22. Kapag nakalunok ka ng buto(seed)...
Tutubo ito sa loob ng katawan mo
Comment Aba isa ito sa mga pinakaconvincing na kaekekan sa buong Pilipinas!
23. Kapag sumipol ka...
Hahangin!
Comment Walang scientific explanation pero madalas tong gumana! Hahaha...
KAPAG MAY NAISIP PA AKO IDADAGDAG KO NA LANG.
Magnifico
,sumulat noong 12:10 AM